‘Di na nakatiis… BARBIE, PUMALAG NA DAHILAN NG HIWALAYANG RICHARD-SARAH
- BULGAR

- Jan 27, 2025
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | Jan. 27, 2025
Photo: Barbie Imperial - IG
Hindi na nakatiis si Barbie Imperial sa akusasyong siya ang third party sa relasyon ng dating mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. Siya ang sinisisi ng mga netizens kung bakit naghiwalay ang mga ito.
Pumalag na ang aktres sa akusasyong ibinabato sa kanya. Sinagot niya ang isang netizen na nag-aakusang siya’y “third party” sa isang relasyon.
Komento ng netizen sa kanyang Instagram (IG) account, “Ano’ng klaseng babae ka? Hindi ko matanggap, pinaka-ayoko sa lahat is ‘yung third party. Kahit saan mo tingnan, hindi pa annulled ‘yung mag-asawa pero nand’yan ka na.”
Matapang niyang niresbakan ang commenter.
Aniya, “Ano’ng third party pinagsasabi mo?”
Ipinagtanggol niya ang sarili laban sa mapanirang komento. Tinanong pa niya kung saan nagmula ang akusasyon at iginiit na wala itong katotohanan.
Matatandaang nilinaw na ni Richard na nagkakilala sila ni Barbie matapos ang paghihiwalay ng aktor at ni Sarah.
Ani ng aktor, “Hindi s’ya third party, ‘di nag-overlap.”
Katunayan, patuloy ang proseso ng annulment ng estranged celebrity couple. May dalawa silang anak, sina Zion at Kai, kung saan co-parenting sila sa mga bata.
Sa kabila ng kontrobersiya, nananatiling tahimik ang aktres sa tunay na estado ng kanilang relasyon, ngunit malinaw ang kanyang paninindigan na wala siyang kinalaman sa paghihiwalay ng mag-asawa.
GF ni Jake, nanabunot daw…
DATING AWAY NINA DAWN AT CHIE, NABUHAY
Lalo yatang lumalala ang patutsadahan ng dalawang former dancers ng It’s Showtime (IS) na sina Dawn Chang at Chie Filomeno.
Muling nabuksan ang isyu sa dalawa nang mainterbyu ang una sa Men’s Room podcast nina Stanley Chi at Anjo Yllana kung saan guest nila si Dawn.
Natanong ang aktres/dancer kung kanino ba siya may isyu.
Sinagot niya ang tanong kung saan may past issue raw sila ng isang showbiz personality.
Dati silang magkasama sa Girl Trends group, ang dancers ng IS. Ang sagot niya sa dalawang hosts ng Men’s Room, “Etong si girl, nagre-rehearse kami ng dance, inagawan ba naman ako ng position sa steps, tapos inaway ako. Nagpa-interview pa, ako raw nang-away.”
Hindi pinangalanan ni Dawn kung sino ang tinutukoy, kaya ang tanong ni Anjo, “Si Cristy Fermin ba ‘yan?”
Aniya, “Hindi ‘no, pero ka-initials n’ya, Hahaha! At meron na s’yang sinabunutan dati.”
Hindi man niya sinabi kung sino, pero ang initial na CF ay umaayon sa kanyang kasamahan sa grupo na si Chie Filomeno. Pumalag si Chie kung saan sinabihan niyang itikom na nito ang kanyang bibig.
Ayon kay Chie, may past issue nga raw sila ni Dawn dati, pero naayos na raw iyon, maging ang isyu na involved din ang kanilang member na si Erin Ocampo.
Pero, mukhang hindi pa resolved ang iringan ng dalawang dancers dahil may unbothered post si Dawn na ishinare matapos siyang i-call out ni Chie dahil sa muling pag-usbong ng kanilang past issue.
Ibinahagi ni Amy Perez ang nakakaantig na video nila ni Ms. Gloria Romero sa kanyang Instagram (IG).
Ang kuhang video ay mula sa isang formal event.
Makikitang mahigpit ang yakap ni T’yang Amy sa late veteran actress.
Matagal na nagkatrabaho ang veteran actress at si T’yang Amy sa isang longest-running TV sitcom na tumagal nang 12 years.
Ang caption ni Amy, “Mommy, I will miss you (crying and heart emoji). Thank you for everything (white heart emoji). Rest now in the loving arms of our Lord Jesus Christ (praying emoji). Love you forever.”
Maging si Ms. Charo Santos, ABS-CBN executive ay nagbigay din ng tribute sa beteranang aktres.
“Tita Glo had this remarkable way of making everyone around her feel valued and respected,” ani Ms. Charo.
Na-mesmerize ang aktres noong bago pa lang siya sa showbiz dahil sa elegant beauty ng late actress.
Ang buong BULGAR Family ay taos-pusong nakikiramay sa naulilang pamilya ng beteranang aktres.






Comments