‘Di na mukhang Avatar… AWRA, SUMAKSES ANG IPINARETOKENG ILONG, MALA-KENDRA KRAMER NA ANG GANDA
- BULGAR
- 1 day ago
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 20, 2026

Photo: IG _awrabriguela
Dedma ang social media influencer-TV personality na si Awra Briguela sa pamba-bash ng mga netizens sa desisyon niyang magpa-rhinoplasty.
Recently, nag-trending sa social media ang mga pictures ni Awra nu’ng bago ang kanyang rhinoplasty procedure at during the time na nasa recovery stage pa siya.
Hindi na kasi hinintay ni Awra ang pagta-transform niya at kahit namamaga pa ang kanyang ipinaretokeng ilong ay nag-post na siya sa kanyang Instagram account at YouTube channel ng hitsura niya.
Kaya naman, inulan siya ng batikos ng mga memang (may masabi lang) netizens na obyus namang gusto lang siyang asarin.
May mga tumawag sa kanya na hitsurang “avatar” at kung anu-anong pang-ookray sa kanyang looks.
Pero hindi nga nagpakita ng panghihina ng loob si Awra at itinuluy-tuloy pa rin niya ang pagpo-post ng kanyang bagong hitsura.
Hanggang sa ang latest post niya ay nanggulat na sa lahat dahil ang laki nga naman ng iginanda ni Awra at talagang na-achieve niya ang Latina look na goal niya.
Ang siste, may mga nagko-comment ngayon na mala-Kendra Kramer (anak nina Cheska Garcia at Doug Kramer) na ang awrahan niya, kaya malaking sampal daw ito sa mga nanlalait na mukha siyang Avatar.
Well, for sure ay thankful si Awra kay Lord at sa surgeon niya dahil sumakses ang kanyang operasyon.
Malay natin, baka next time, rarampa na rin si Awra sa mga international fashion show dahil ang taray-taray na ng kanyang bagong gawang ilong! Hahaha!
Anyway, congrats, Awra! Umawra ka na hanggang gusto mo!
Love Kryzl, nakipag-showdown kina Jhong at Sarina

NAGING mas espesyal ang pagdiriwang ng ika-10 kaarawan ng child performer at “Little CEO” na si Love Kryzl Jorge matapos makiisa sa kanyang birthday concert ang mag-amang sina Jhong Hilario at Sarina Hilario.
Sa ginanap na Xtraordinary Kryzl: Born to Shine concert, umani ng hiyawan ang audience nang magsanib-puwersa si Kryzl at ang batang internet sensation na si Sarina sa isang masiglang dance performance.
Hindi rin nagpahuli si Jhong Hilario na umakyat sa entablado upang samahan ang dalawa, dahilan upang lalo pang maging masaya at puno ng enerhiya ang selebrasyon.
Bukod sa kanilang pagtatanghal, ipinakita rin ang magandang samahan nina Kryzl at Sarina, na kapwa hinangaan ng mga manonood dahil sa kanilang talento, kumpiyansa at husay sa pagsasayaw sa murang edad.
Sa milestone birthday concert ni Love Kryzl ay tampok din ang iba pang musical performances at espesyal na panauhin, na nagsilbing selebrasyon hindi lamang ng kanyang ika-10 kaarawan kundi pati ng kanyang lumalaking karera bilang batang performer at inspirasyon sa maraming kabataan.
Akala ng guy, winner na, olats pala!
AKTRES-BEAUTY QUEEN, SOBRANG LASING SA FIRST DATE NILA NG BUSINESSMAN-POLITICIAN, INIUWI SA BAHAY, NAIHI SA CARPET SA SALA

BLIND ITEM:
MAY nakakatawa pero medyo kadiri ring kuwento tungkol sa isang aktres-beauty queen na mukhang hindi suwerte sa pag-ibig.
Marami nang naging karelasyon sa showbiz at maging sa pulitika ang aktres-beauty queen na ito, pero laging nauuwi sa hiwalayan.
Nagkaroon siya ng BF na aktor na ginawa niyang PA (personal assistant). Nu’ng super in love pa sa kanya ang aktor, kesehodang ito ang magbitbit ng bag at shoes niya ay okay lang. Pero sa huli ay nauntog din ang aktor kaya hiniwalayan siya.
May naging boyfriend naman siyang pulitiko. Medyo tumagal din sila at akala ng lahat ay sa kasalan na ito mauuwi, pero ang ending, balik-single lady si aktres-beauty queen.
Eto ang nakakatawang kuwento ng huling guy na naka-date niya. Gandang-ganda pa naman daw sa aktres-beauty ang businessman-politician sa first date nila. Nag-dinner sila at nag-wine after. Sobrang nalasing si girl kaya itineyk-home na lang ng businessman-politician.
Pagdating daw sa bahay, nasa sala pa lang ang girl ay nagkalat na!
Oh, noooo!!! Ay, ohhh, yesss pala! Nagkalat nga ang aktres-beauty queen.
Nope, hindi siya nagsuka sa sobrang kalasingan, naihi lang naman siya sa carpet!
Lokang-loka sa kanya ang businessman-politician dahil ni hindi makapunta sa CR ang aktres-beauty queen at du’n nga inabutan sa sala ng pagwiwi nito!
Hahaha! Akala pa naman ng businessman-politician, winner na siya na nai-take home si girl, ‘yun pala, sakit ng ulo ang ibibigay sa kanya.
Olats!!!

