top of page
Search
  • BULGAR

'Di na mabu-bully… HIPON GIRL, COLLEGE GRADUATE NA

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | July 20, 2022




Pasabog ang national costume ni Herlene Budol noong ginanap ang competition sa National Costume ng Bb. Pilipinas.


Agaw-pansin at marami ang nagustuhan ang kanyang isinuot na national costume na ibinase sa Higantes Festival ng Angono, Rizal.


Talagang pinag-isipan at ginastusan ito kaya naman malaking puntos na naman ito para kay Hipon Girl.


Samantala, kahit abala sa mga activities niya sa Bb. Pilipinas beauty pageant, nagawa pa rin ni Herlene Budol ang makatapos ng kursong Tourism Management sa College of St. John Paul II sa Angono.


College degree holder na siya ngayon at meron nang puwedeng ipagmalaki. Hindi na siya basta-basta mabu-bully ngayon.


Nang umakyat ng stage si Herlene noong kanyang graduation, bitbit niya ang naka-frame na larawan ng yumao niyang lola na nagpalaki at nag-alaga sa kanya.


Mahal na mahal ni Herlene ang kanyang lola. Nagsikap siya upang mabigyan ito ng maginhawang buhay.


Samantala, may naging pahayag din si Herlene na hindi niya aalisin at ikahihiya ang bansag sa kanyang Hipon Girl kahit pa manalo siyang Bb. Pilipinas.


Ang Hipon Girl ay tumatak sa publiko nang siya ay maging co-host ni Willie Revillame sa Wowowin.



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page