top of page

‘Di na ma-reach, Kathryn… DANIEL, MAY SARILI NANG GOLF CLUB

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 28, 2025
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | Apr. 28, 2025



Photo: Daniel Padilla - FB


Short lang ang birthday greetings ni Karla Estrada kay Daniel Padilla na, “My first Born. Daniel John Ford Padilla. Happy Birthday anak,” pero ang nagdala ay ang ginamit na photo ni Daniel noong baby pa ito. Ang cute ni Daniel, napa-comment tuloy si Ruffa ng “Happy Birthday, Deej!”


Thirty years old na si Daniel sa birthday niya noong April 26. Kung tutuusin, puwede na itong mag-asawa, kaya lang, parang walang GF ang aktor mula nang mag-break sila ni Kathryn Bernardo. 


Hindi naman yata ito nagmamadaling maghanap at parang walang nali-link.

Well, sey ng mga fans nito, hayaan munang mag-focus si Daniel sa kanyang career at pagkatapos ng Incognito, pelikula yata ang gagawin ng aktor kasama ang mga Kapamilya stars.


Naka-focus din si Daniel sa mga business niya with his friends kabilang ang bagong bukas na Vineyard Golf Club. At least, hindi na siya dadayo sa ibang golf club kung gustong mag-golf dahil may sarili na siya.


Samantala, pinansin ng mga fans ang magandang relasyon ni Daniel sa ama niyang si Rommel Padilla. Kasama ang mom niyang si Karla, tumulong sila sa kampanya ni Rommel na tumatakbong mayor sa Cuyapo, Nueva Ecija. 


Dumating sina Karla at Daniel sa isang pa-meeting ni Rommel at nag-perform pa. Kapag nanalo si Rommel, may tatay nang mayor si Daniel.



Si Alden Richards nga ang host ng newest dance competition sa GMA-7 na Stars on the Floor (SOTF). Kasunod nito, ini-reveal din na sina Marian Rivera, Pokwang at choreographer ng SB19 na si Jay Joseph Roncesvalles ang mga judges.


Celebrities ang maglalaban-laban at magpapasiklaban sa husay sa pagsayaw gaya nina Glaiza de Castro, Faith da Silva, Zeus Collins, Dasuri Choi, Patrick Rocamora of VXON, Kakai Almeda, JM Yrreverre, Thea Astley, Joshua Decene, at Rodjun Cruz.


Hindi pa nga nagsisimula ang show, may mga bashers na at iniisyu nila kung bakit si Alden ang host? Pati kung bakit sina Marian at Pokwang ay kabilang sa mga judges at pati ang 10 celebrities contestants, may hanash sila.


Hindi raw kasi dancer si Alden, dapat sa legit dancer ibinigay ang pagho-host. Hindi rin daw dancer si Pokwang at dapat si Rochelle Pangilinan ang kinuhang judge na makakasama ni Marian. 


Pati nga si Marian, hindi pinaligtas, hindi rin daw siya dancer, mahusay lang sumayaw.

Siguradong may rason ang GMA kung bakit sila ang mga kinuhang hosts at judges at hindi basta na lang isinama. 


Pati mga contestants, kinuwestiyon din, bakit daw nakasama si Faith na hindi rin dancer? Si Thea naman, mas kilalang singer at si Glaiza ay mas kilalang aktres.

Anyway, payo ng isang fan sa mga netizens na marami ang reklamo, huwag na lang manood para hindi siya ma-highblood at mainis. 


Madir ng cager, todo-patol sa netizens…

JACKIE, BINA-BASH DAHIL SA HIWALAYAN NINA KOBE AT KYLINE


MAGSU-SHOOT pala sa South Korea (SK) ang Beauty Empire (BE) na tampok sina Barbie Forteza at Kyline Alcantara. Next month daw ang lipad ng dalawang Kapuso actresses at iba pang cast na kasama sa taping sa South Korea. 


Siguro naman, kasama rin sa shoot sa SK ang Korean aktor na si Choi Bo-min na kabilang sa cast.


Habang nasa South Korea, makakapag-bonding sina Barbie at Kyline na parehong break na sa kani-kanyang boyfriend. 


Sey ng mga fans, puwedeng itanong ni Kyline kay Barbie kung paano mabilis natigil ang pa-messy na sanang breakup nila ni Jak Roberto. Magsisimula na sanang magulo ang paghihiwalay ng JakBie, bigla na lang natigil.


Ang breakup kasi nina Kyline at Kobe Paras, nasa kainitan pa lang ang pagiging messy

at pati kani-kanyang pamilya, nadadamay at pati ang mom ni Kobe na si Jackie Forster, naba-bash na.


Pero, tama ang mga netizens na para hindi lumaki ang isyu, tigilan ng kampo nina Kyline at Kobe ang pagpo-post ng cryptic messages na binibigyan ng meaning ng mga nakakabasa. 


Wish din ng mga fans, hindi na sumagot si Jackie sa mga comments ng mga fans dahil hindi siya titigilan ng mga ito.


Sina Kyline at Kobe lang daw ang nagkaroon ng relasyon, sila lang ang may isyu, sila lang ang nag-away, sana raw hindi na makialam ang kani-kanyang pamilya, para tahimik na. Para rin daw mabilis makapag-move on ang mag-ex.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page