top of page
Search
  • BULGAR

'Di na kumakain ng meat… SARAH, TUMANGGING MAG-ENDORSE NG SIKAT NA FOOD CHAIN KAHIT MILYONES ANG TF

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 13, 2024



Showbiz Photo

Marami ang labis na nanghihinayang sa hindi pagtanggap ni Sarah Geronimo na gawin ang endorsement ng isang malaking food chain. 


Milyones ang offer na talent fee kay Sarah, pero dahil sa kanyang ‘pescatarian diet’ ay hindi tinanggap ng Popstar Royalty ang malaking endorsement. 


Hindi na kasi kumakain ng karne at anumang meat products si Sarah, kaya hindi ganu’n kadali ang pagtanggap ng endorsement. May limit na sa produktong puwede niyang i-endorse.


Ganunpaman, isa pa ring top endorser si Sarah at paboritong kunin tulad nina Anne Curtis, Bea Alonzo, Vice Ganda, Judy Ann Santos, Kim Chiu, Barbie Forteza atbp.. 


At this point of her career, puwede nang tumanggi o pumili si Sarah Geronimo ng produkto na gusto niyang iendorso.


 

Sa dinami-rami ng babaeng nakarelasyon ni Carlo Aquino, bakit daw si Charlie Dizon ang kanyang napiling pakasalan? Halos dalawang taon pa lang silang magkasintahan pero nagdesisyon na silang magpakasal. 


Isang Christian wedding ang pinili nila na naganap noong June 9 sa isang private resort sa Silang, Cavite. Mga kilalang personalidad ang tumayong ninang at ninong sa kanilang kasal tulad nina Charo Santos, Cong. Lani Mercado, Cory Vidanes, Rhea Tan, Veronique del Rosario, Lauren Dyogi, Carlo Katigbak atbp..


Ilan sa mga naging karelasyon noon ni Carlo Aquino ay sina Angelica Panganiban, Camille Prats, Maja Salvador, Mayo Suzuki, Kristine Nieto at Trina Candaza. 


Nagkaroon ng anak si Carlo sa modelong si Trina Candaza, ang 3 years old na si Mithi. Kaya ganoon na lamang ang pagtataka ng marami nang si Charlie ang napiling pakasalan ng aktor. Ano kaya'ng katangian ang nakita niya sa aktres na wala sa iba?


Sey naman ni Charlie, nagkaroon na rin siya noon ng karelasyon bago niya nakilala si Carlo, pero sa aktor lang siya naging open at maalaga raw ito. Hindi rin daw inaasahan ni Charlie na ganu’n kadali ang desisyon nila na magpakasal na. 


Samantala, marami ang nakisimpatya sa ex-GF ni Carlo na si Trina. Pero nilinaw naman ni Trina na nagbibigay ng sustento ang aktor para sa anak nilang si Mithi. Hinihiram din daw ng aktor ang anak ‘pag may libre itong oras. 


Okey naman siya na makilala na ng kanilang anak ang babaeng pinakasalan ni Carlo. 


 

MARAMI ang naninibago at pumupuna sa hitsura ngayon ni Richard Gomez (Goma) dahil para raw itong tumanda at hindi na conscious sa kanyang image bilang sikat na aktor. Masyadong nalibang sa kanyang farm si Goma at sineryoso ang pagiging public servant. 


Dating congressman sa 4th District ng Leyte si Richard at umupong mayor ng Ormoc mula 2016 hanggang 2022. 


Dahil mahilig magluto, kinarir din ni Richard ang pagiging chef. Naging YouTube chef si Goma at nahihilig sa pagluluto ng iba’t ibang cuisine at Filipino dishes. 


Ganunpaman, vocal naman si Goma sa pagsasabing nami-miss niya ang pag-arte. Kung tutuusin, puwedeng-puwede pa namang balikan ni Richard ang kanyang career.


Pambida pa rin ang kanyang status ngayon. 


Sana lang, maibalik ni Goma ang dati niyang porma na heartthrob at debonair na kinababaliwan noon ng mga chicks kahit may-edad na siya. Bakas pa rin naman ang kanyang taglay na gandang lalaki.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page