'Di na kinaya, Andrea... KON. LEREN, NAGSALITA NA SA RELASYON DAW NILA NI RICCI
- BULGAR
- Jun 14, 2023
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary Files | June 14, 2023

Naglabas ng statement ang kampo ng former beauty queen at konsehala sa Los Baños na si Leren Mae Bautista hinggil sa diumano’y “romantic involvement” niya sa basketball player na si Ricci Rivero.
Sa inilabas na statement ng kampo ni Kon. Leren, idinenay nito ang kumakalat na issue na may namamagitan sa kanila ni Ricci.
“The recent outreach activity in which Councilor Leren participated with Ricci Rivero is not an indication of a romantic relationship between them.
“The event was organized as part of Councilor Leren’s ongoing efforts to serve the people and contribute to the welfare of her community.”
Samantala, ‘di naman satisfied ang mga netizens sa inilabas na statement ng kampo ng former beauty queen at konsehala.
Kung wala raw talagang kinalaman si Leren sa hiwalayang Andrea-Ricci, dapat ay siya mismo ang personal na gumawa at naglabas ng naturang statement.

“Hmmm… sana, naglabas siya ng official statement na ‘di ginagamit ang Office of the Councilor eme. FYI, personal issue ‘yan at dapat labas diyan ang trabaho niya bilang councilor.”
“Kaya nga! Kailangan ba talagang gamitin ‘yung template bilang councilor? ‘Kaloka, ah!”
“Eh, feel na feel kaya ni ate gurl! Councilor pa lang ‘yan, ah! Ang taas na ng tingin sa sarili.
Damang-dama ang pagiging pulitiko, eh! Sarap ba?!”
“True, nakakainis din siya, sa totoo lang. Last time, nag-post pa ‘yan sa Instagram Story niya about being happy churva, tapos nu’ng hindi na kaya ang bashing, biglang naglabas na ng ganyang statement. Tsk! Gamit pa ang template na councilor siya, ngeeeek! Parang tinatakot lang ‘yung mga bashers!”
“I agree, what’s the point of using the template of her office? Yabang at pasikat lang, ganern?!”
“Tapos ngayon, biglang ‘SHE CARES’ na ang drama ni gurl. Mukhang nakuyog na nga ng mga bashers. Lol!”
“Damage control. Pero may pa-post ng quote nu’ng nakaraan. Hahahaha!”
“Nagmamatapang post niyan before, ‘di ba? Tapos bilang bawi?! Balimbing yarn?!”
“This is the reason kaya may pa-official statement si queensehala nila. Masama ang naging feedback, kailangan niyang i-deny. Hahahaha!”
"Idinamay pa ‘yung Office of the Councilor! Tama ba ‘yan or puwede ba ‘yang ganyan when addressing personal issue?"
“Siya ang unang nag-post ng photo ni Ricci sa IG Story niya tapos ishinare naman nu’ng lalaki.
‘Wag mo kaming gawing t*nga, queensehala. Don’t us… pampam ka kasi, tapos ngayon, biglang swiping the ‘victim card’ ka?!”
Well, naniniwala naman kami na may basbas ni Konsehala Leren ang inilabas na statement ng kampo niya dahil ‘di naman niya ‘yun papayagang maisapubliko kung ‘di rin galing sa kanya mismo.





Comments