‘Di makarinig… TENGA NI ANDI, NAIMPEKSIYON, PAGSASALITA APEKTADO
- BULGAR

- 8 hours ago
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | April 18, 2026

Photo: Andi Eigenmann - Instagram
Nagkaroon ng infection sa right ear si Andi Eigenmann kaya hindi siya gaanong nakakarinig ngayon.
Ito ang ibinahaging health update ng dating aktres sa kanyang Instagram (IG) Story kahapon bilang heads-up na rin sa mga makakakita sa kanya sa Siargao.
“Just FYI (for your info), if you see me around the island, I temporarily can’t hear much in my right ear!” aniya.
Pero temporary lang naman ito dahil nasa recovery stage na raw siya.
“Currently healing from an ear infection. I also can’t talk much!” sey niya.
Hindi na sinabi pa ni Andi Eigenmann kung ano ang naging cause ng kanyang ear infection.
Get well soon, Andi.
ISANG masayang episode na naman ang aabangan sa vodcast na Your Honor (YH), hosted nina Chariz Solomon at Buboy Villar.
This Saturday, April 18, sasalang sa ‘hearing’ ang social media personality at certified ‘baklang kanal’ na si Sassa Gurl.
Dala-dala pa rin daw ni Sassa ang kanyang kanal humor mula sa mga panahong nakikipag-riot at umaawra pa siya sa mga ‘constru’, hanggang sa ngayon na nakikipagsosyalan na siya kina Marian Rivera, Nadine Lustre at marami pang iba.
Asahan ang isang wild, puno ng katatawanan, at no-filter na bagong live session ng Your Honor, Sabado ng 8:15 PM pagkatapos ng Pepito Manaloto sa YouTube (YT) channel ng YouLOL.
Parehong team captain ng magkalabang network… DAVID, EXCITED SA SHOWDOWN NILA NI GERALD SA BASKETBALL
TODONG paghahanda ang ginagawa ngayon ni David Licauco para sa nakatakdang pagtatapat nila ni Gerald Anderson sa upcoming basketball tournament na Bida sa Arena: Ultimate Celebrity Showdown.
Sa nasabing tournament ay masasaksihan ang pinakaaabangang pagbabanggaan sa court ng Kapuso at Kapamilya stars.
Si David ang mamumuno bilang captain ng Sparkle team na kinabibilangan nina Dustin Yu, Rayver Cruz, Mavy Legaspi, Paul Salas, Anthony Constantino, Edgar Allan ‘EA’ Guzman, Andre Paras, Kimson Tan, Prince Carlos, at Mateo Monzones.
Si Gerald naman ang captain ng Team Th3rd Floor at ka-team niya sina Vhong Navarro, Richard Gutierrez, Jameson Blake, Emilio Daez, Tommy Tiangco, Binsoy Namoca, RK Bagatsing, Johannes Rissler, Argel Saycon, Tristan Ramirez, Elysion De Dios, at Malupiton.
Sabi ni David sa panayam sa 24 Oras, “Ako, pangarap ko na makalaban ‘yung kabila, eh. Kasi, wala lang, to represent GMA, ‘di ba?”
Dagdag pa niya, “So, for us na mga taga-Sparkle from GMA, gusto naming ipakita na magagaling din ‘yung mga Sparkle na mag-basketball.”
Gaganapin ang celebrity basketball showdown sa May 3 sa Mall of Asia (MOA) Arena.




Comments