top of page

‘Di makapaniwala sa kayang gawin ng aktres… BOY, NAPAIYAK NI JUDAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 17, 2023
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | June 17, 2023




Pilit na pinigilan ni King of Talk Boy Abunda ang maluha habang ipinapakilala si Judy Ann Santos bilang guest sa kanyang programang Fast Talk with Boy Abunda last Wednesday (June 14).


Sobrang malapit kasi si Juday kay Kuya Boy and on the day na nag-guest siya sa nasabing programa ay ika-100th episode nila kaya napakaimportante para sa King of Talk ang appearance ni Juday sa Fast Talk.


At gaya ng dati, hindi ugali ni Kuya Boy na mang-agaw ng credit para lang sa kanyang sariling kapakanan dahil ishinare niya ang success sa lahat ng naging bahagi ng kanilang 100th episode.


Panimula ni Kuya Boy, “Nu’ng umpisa po, nu’ng sinasabi naming 20 minutes lamang po ang aming show, uh, marami ang nagdududa kung kaya ba namin? Puwede ka bang magkaroon ng talk show na 20 minutes?


“Pero habang kami ay nag-uusap, we were determined.”


Pagkatapos ay pinasalamatan ni Kuya Boy ang mga namamahala sa Fast Talk, “Maraming- maraming salamat sa inyo dahil hindi tayo nagduda. Hindi tayo umatras. Hindi tayo nag-agam-agam sa gusto nating gawin.


“We just want to do a small talk show and we just want to entertain. We want to inform, binibigyan kami ng pagkakataon. Maraming-maraming salamat sa inyo,” sabi ni Kuya Boy.


And then, nu’ng ipapakilala na niya si Juday ay nag-pause si Kuya Boy at biglang naging emosyonal.


“Espesyal po ang episode para sa araw na ito. Uh, she’s very special because ito’y… Ako’y magsasabi po mula sa puso. She doesn’t have to be here. She’s not, uhmmm… nagiging emosyonal (ako),” pahayag ni Kuya Boy.


Kung tutuusin daw kasi, hindi na kailangang mag-guest ni Juday sa show ni Kuya Boy.


Wala naman daw kasing ipino-promote na show or pelikula ang premyadong aktres.


“Naglakbay po siya para lang makasama tayo dahil espesyal para sa amin, para sa akin ang araw na ‘to. Espesyal ang ating panauhin sa araw na ‘to. She’s very, very special,” diin pa ni Kuya Boy.


In fairness, iba pa rin talaga ang TV show kesa sa anumang napapanood natin sa mga digital platforms, devah?!


Anyway, congratulations kay Kuya Boy at sa kanyang programang Fast Talk.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page