'Di magawang umamin… RELASYON NINA ZANJOE AT RIA, NABUBUKING DAHIL SA MGA BFF
- BULGAR
- Nov 5, 2022
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 5, 2022

Pagkatapos mag-post ni Joshua Garcia ng larawan nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo na magkasama sa Japan, si Kathryn Bernardo naman ang nag-flex ng picture ng rumored couple habang naglalakad ang dalawa.
Reaksiyon ng mga netizens…
"Parang kinutsaba nila ang mga friends nila na sila na ang mag-out para sa kanila."
Magkakasama ang magkakaibigan sa Japan kung saan doon sila nag-spend ng Halloween.
May point ang sinabi ng netizen, ayaw ng rumored couple na sa kanila manggaling na may something na sila.
Although, wala rin namang sinasabi sa caption ang mga kaibigan nila. Parang ang nasa isip ng mga ito ay… "Bahala na kayong mag-conclude kung mag-sweethearts na sila. Ayan ang mga pictures nila."
"O, ayan na ang mga ebidensiya! Rebelasyon na kasi."
"Kilig. Happy for Ria and Z. Mukhang matino naman."
Pansin nga ng isang netizen, "Si Ria pa talaga ang naka-angkla."
"Mas pine-flex ni Ria si Zanjoe sa social media kaysa kay JM," sey naman ng isa pa.





Comments