'Di magawa ang gusto sa Dos, magha-Hollywood na lang daw… LIZA, BUKING NA TODO-INGGIT KAY KATHRYN
- BULGAR
- Mar 10, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 10, 2023

Sa pagkakaungkat ni Liza Soberano sa offer sa kanila noon ni Enrique Gil para sa pelikulang Hello, Love, Goodbye na napunta nga kina Kathryn Bernardo at Alden Richards dahil may Bagani serye pa sila noon ni Quen (Enrique), lumitaw ang katotohanang malaki ang inggit niya kay Kathryn.
Natakot at ikina-insecure ng aktres na muntik nang maagaw sa kanya ang ka-love team niyang si Enrique na unang naisip na ipareha kay Kathryn bago si Alden.
Naipon nga ang sama ng loob ni Liza habang nasa pangangalaga siya ng Star Cinema.
Kaya ang pagkalas sa dati niyang manager na si Ogie Diaz ang naisip niyang paraan upang tuluyang makawala sa de-kahon niyang imahe sa dating studio.
Ginamit niyang dahilan ang kanyang Hollywood dream na gusto niya umanong matupad. Isang bagay na ipinagkikibit-balikat lang ng marami dahil hindi lang naman ganda ang kailangan upang maka-penetrate sa Hollywood.
Bukod sa galing sa pag-arte, dapat ay may taglay ding X factor ang sinumang nangangarap makapasok sa Hollywood.
Meron kaya nito si Liza Soberano!?





Comments