KAILA, TODO-POST NG MGA PIKTYUR NILA NI DANIEL SA JAPAN TRIP
- BULGAR

- 1 hour ago
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | August 30, 2026

Photo: IG _kailaestrada
in on every single photo (crying & love emojis).
“Waiting for her to post pics from their trip… pero ‘di ko inaakalang ang daming DJ sa post na ‘to? Oh my DJKai, himlay nang malala! ”BINUSOG ni Kaila Estrada ng ayuda ang mga faney nila ng boyfriend niyang si Daniel Padilla. Nag-post kasi ang aktres sa Instagram (IG) kahapon ng mga larawan nila ni Daniel sa kanilang recent trip sa Japan.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nag-post si Kaila sa kanyang socmed account ng larawan nila ni Daniel na magkasama.
Ang mga naunang photos kasi nina Kaila at Daniel na kumalat habang nagbabakasyon sa Japan ay galing sa kanilang mga tagahanga.
Hanggang ngayon ay wala pa ring opisyal na pag-amin si Kaila kay Daniel as her boyfriend.
Caption ni Kaila: “Besties on a trip.”
Kunsabagay, action speaks louder than words kaya hindi na kailangang umamin pa ni Kaila.
Sey ng mga fans:
“The soft launch era is officially OVER (crying emoji). Kaila Estrada just hard launched Daniel Padilla on IG with a photo dump from their Japan trip, and yes, we are zooming
“THANK YOU SA AYUDA, MS. KAILA (heart emojis).”
Oh, ‘di ba, busog-lusog sa resibo ang mga KaiNiel fans?!
Dati, pambayad lang daw ng tubig at kuryente ang kaya… TJ, SUPER PROUD NA NAKABILI NA NG LOTE PARA SA DREAM HOME NILA NI KZ
BUONG-PAGMAMALAKING ibinida ng singer na si TJ Monterde ang nabili niyang lote bilang regalo sa kanyang misis na si KZ Tandingan. Ito ay tatayuan ng kanilang future dream house.
Sa kanyang Instagram (IG) ay ipinost ni TJ ang isang video kung saan nagkukuwento siya sa mga challenges niya sa buhay bilang asawa ni KZ. That same day ng kanyang IG post ay ang wedding anniversary nila ni KZ.
Caption ni TJ sa kanyang IG post, “LIFE UPDATE: God is Faithful. Happy Anniversary, Madame.”
Nagbalik-tanaw si TJ kung gaano siya kalungkot noon bilang mister noong nagsisimula pa lang sila ni KZ bilang mag-asawa. Mas naging provider daw si KZ sa kanilang marriage na dapat ay siya. Noon daw kasi, ang kaya lang niyang i-provide ay ang pambayad ng kuryente at tubig.
Nanalangin daw siya noon sa Panginoon na hindi lang pambayad sa water and electric bill ang maging puwede niyang i-provide kay KZ.
“Three years after that prayer, here we are. I just bought KZ the lot of our future dream home. ‘Yan, dito itatayo ang future bahay namin ni Mrs. Monterde,” pahayag ni TJ.
Wow!





Comments