top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

'Di ma-take na ex ang makinabang... POKWANG, TODO-HABOL SA DATUNG NIYA KAY LEE

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 5, 2023
4 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters! | February 5, 2023




Emosyonal na inamin ni Pokwang sa panayam sa kanya sa show na Fast Talk with Boy Abunda na ang dahilan ng matinding away nila ng ex-partner niyang si Lee O’Brian ay tungkol sa kita ng negosyo nilang PokLee Food Products.


Base sa kuwento ni Pokie ay nag-usap sila ni Lee na magtayo ng negosyo para sa anak nila dahil hindi naman habambuhay na nakatapat sa kanya ang spotlight bilang artista at sumang-ayon naman ang tatay ng limang taong gulang niyang anak na si Malia.


In fact, si Lee pa raw ang mega-push sa kanya para matuloy ito at ito rin ang magma-manage dahil abala si Pokwang sa kanyang showbiz career.


Inamin ni Pokwang na siya ang naglabas ng pera bilang puhunan at nagsimula ang problema nila nang tanungin niya si Lee sa estado ng kanilang negosyo. Feeling ng tatay ng kanyang anak ay wala siyang tiwala rito.


"Ang dating sa kanya, hinuhusgahan ko na siya kaagad (emosyonal). Tinanggalan niya ako ng karapatan na malaman," hinaing ni Pokwang.


Tinanong ni Kuya Boy kung ito ang naging dahilan ng kanilang pag-aaway.


“Iyon ‘yung naging cause talaga, Tito Boy. That time, umaasa ako na maaayos pa sana,” saad ng aktres.


Naghiwalay sina Lee at Pokwang noong December, 2021 pero nu'ng nakausap ang huli ni Nelson Canlas ng 24-Oras nu'ng July, 2022, puring-puri pa ng komedyana ang tatay ng anak dahil umaasa pa nga siyang maaayos ang kanilang relasyon.


Inamin niyang mahal pa niya that time si Lee kaya nga raw niya nagawang pagtakpan ang lahat ng kamalian nito.


“Sabi ko nga, 'Nandito kami ng anak mo, handa akong magsinungaling, handa akong lunukin lahat buoin mo lang kami, mabuo lang tayo ulit,'” pakiusap ni Pokie kay Lee pero wala ring naging epekto.


Kaya naman, nagdesisyon na rin ang mama ni Malia na makipaghiwalay dahil naramdaman na niyang wala nang respeto sa kanya si Lee.


“Kaya ako ganito, kaya ako nasasaktan kasi sayang lahat ng pagtatakip ko, sayang lahat ‘yung pakikipaglaban ko para sa ‘yo. Ang tanging hiling ko lang ‘Lunukin mo naman ang pride mo,'" emosyonal pa ring kuwento ni Pokwang.


Pero hindi na ito ang pakiusap ngayon ni Pokwang at siya mismo ang nagpaalis kay Lee sa bahay niya dahil ayaw niyang makita ng anak nila na lagi silang nagsisinghalan.


At kamakailan nga ay inamin na ni Pokwang kay Ogie Diaz sa vlog nitong Showbiz Update na pinagtakpan niya si Lee at may iba na nga itong babae, pero inamin nitong mahal pa rin niya ang ama ng anak. Pero base sa nakikita niyang reaksiyon nito ay wala na talagang chance na mabuo ang pamilya nila.


Kinlaro ni Pokwang na wala siyang isinampang kaso laban kay Lee kundi inaayos lang ‘yung custody ni Malia at mabawi ‘yung YouTube channel nilang Malia O’Brian TV, Poklee Cooking Official at iba pa raw social media account na kumikita na si Lee mismo ang nagmo-monetize.


“Para po kay Malia sana (ang kita), sa totoo lang. Five years kang hindi nag-aabot, alam mo ‘yan!" sabi ni Pokwang kay Lee habang nakatingin sa kamera.


Kaya ang iiwanang leksiyon nito sa dalawang anak na sina Mae Mae at Malia, “Magtira kayo para sa sarili ninyo, mga anak, kasi hindi ko ginawa. Magtira kayo para sa sarili ninyo para 'pag dumating ‘yung tamang tao, meron pa kayong ise-share na pagmamahal sa tamang tao sa buhay ninyo,” umiiyak pa ring sabi ni Pokwang sabay-tanggal ng false eyelashes dahil natanggal na ang dikit.


Sam YG, proud Bumbay, sanay tumawad



Bagay na bagay ang digital show na Nego King Philippines na ipalabas dito hosted by Sam YG dahil kilala ang mga Pinoy na mahilig tumawad, na kahit na may nakalagay nang ‘SALE’ ay hihirit pa rin ng gusto nilang presyo sa mga bazaar o tiangge.


Isa ito sa mga topics sa ginanap na mediacon ng Nego King Philippines na produced ng KROMA’s ANIMA Studios at A+E Networks.


Ang Nego King ay isa sa pinakasikat na web variety show sa South Korea at simula Pebrero 8, Miyerkules, 8 PM, mapapanood na ang Nego King Philippines sa YouTube Channel ng Anima Studios at LazLive sa Lazada App.


Nagbiro nga si Sam YG nang ialok sa kanya ang project dahil ang gagawin niya ay tumawad at pababain ang presyo ng mga bilihin sa merkado. Mahusay daw kasi sa ganitong paraan ang mga tulad niyang Bumbay o may lahing Indian.


Aniya, “Kinuha ba nila ako dahil Bumbay ako? I thought it was a joke. And then eventually I found out, I watched the few episodes, and it was a very interesting show. Talagang nilalapitan nila 'yung mga tao, 'Alam mo ba itong product na ito? Itong service na ito?'”


Sa bansang South Korea ang orihinal na Nego King at nag-hit ang digital show na ito sa mga Koreans dahil sila rin pala ay mahilig tumawad.


Sa pagpapatuloy ni Sam YG, inamin niyang magaling naman siya sa pakikipag-nego sa mga produkto.


“Being Bumbay is in my blood. And I can actually nego because that is part of my blood. Kahit sa simpleng bagay, I really make sure na I really get the best deal. Lahat naman tayo ganu'n, especially after the pandemic. When we want to buy something, we want to get the most out of our money,” pahayag nito.


Base sa napanood naming first episode ng Nego King Philippines sa mediacon ay tinatanong ni Sam YG ang mga mamimili kung bakit nila nagustuhan ang isang produkto at nang sabihin sa kanya ang mga dahilan ay inalok niya ang mga ito na maaari pa niyang mapababaan ang presyo by talking to the owners or bosses ng nagbebenta ng nasabing produkto.


Kaya sa mahilig tumawad, patok sa inyo ang show na ito!





Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page