'Di lang sa tikiman game na game… HEAVEN, WA' KIYEMENG INUPUAN NANG PAHARAP SI MARCO
- BULGAR
- Aug 12, 2023
- 2 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 12, 2023

Kung ang pagiging sobrang komportable sa isa't isa nina Heaven Peralejo at Marco Gallo sa first lead role nila sa pelikula na showing na sa mga sinehan ngayon, ang The Ship Show, ang pagbabasehan, masasabi ngang tapos na sa 'getting-to-know' o 'pabebe' stage ang dalawa at mas gusto nga naming maniwalang sila na talaga.
Kilig much with matching hiyawan ang narinig namin sa mga fans na nanood sa premiere night ng Viva Films movie nila last Tuesday.
Ramdam kasi sa holding hands, yakapan at halikan nina Heaven (as Chia) at Marco (as Araw) na parang normal na normal na sa kanila ang mga ganu'ng galawan. At kesehodang paharap na umupo pa si Heaven sa lap ni Marco, parang 'di na big deal sa kanila ang ganu'n.
Well, mukha namang nakitaan talaga ng Viva ng potensiyal ang love team nina Heaven at Marco dahil matapos nga ng Viva One series nilang The Rain in España, heto at pinagbida na sila sa pelikula kasama ang sampung Viva talents na in fairness, may kani-kanyang karakter din sa movie kaya wala namang nasapawan at 'lumubog', umangat naman lahat.
Kilalanin ang anim na love teams ng The Ship Show sa pangunguna ng introvert na si Araw (Marco Gallo) at ng masayahing si Chia (Heaven Peralejo), ang cheerful duo na sina Nestor (Tomas Rodriquez) at Tintin (Ashtine Olviga), ang sexy at oozing with confidence pair-up nina Ashley (PJ Rosario) at Belline (Angelic Guzman), ang mag-ex na si Buddy (Rabin Angeles) at Shey (Bianca Santos), ang music lovers na sina Elbrich (Migo Valid) at Marge (Janine Teñoso), at ang “brainy love team” nina Monti (Martin Venegas) at Amor (Madelaine Red).
Anyway, habang tinititigan namin si Heaven, napansin lang namin na marami pala itong kahawig.
May anggulo siyang kamukha ni Maine Mendoza at meron namang ni Angel Locsin.
Marunong siyang umarte at for sure, marami pang ibubuga kung mapagkakatiwalaan lang ng mga challenging roles.
Ang partner naman niyang si Marco na bihirang ngumiti, seryoso at suplado ang image pero ang hot para sa mga LGBT members lalo na nang mag-topless. May mga accla (gays) ngang nag-aabang kung kelan naman daw kaya gagawa ng Vivamax movie itong si Marco.
Napansin lang namin na medyo stiff pa siyang umarte at siguro, setback niya 'yung pagiging inglesero niya. Nakikita nga namin sa kanya noon si Gerald Anderson na sinasabihang 'ham actor', pero nu'ng tumagal-tagal din naman ay nahasa na rin si Gerald sa acting.
Sana ay maging ganito rin si Marco at 'wag ma-conscious sa pag-arte para mas natural ang dating at hindi stiff sa ilang eksena.
Nag-enjoy naman ang mga nakapanood ng The Ship Show. Pang-millennial ang movie na tungkol sa competition para sa next love team ng bansa at tiyak na maraming kabataan ang makaka-relate rito lalo na sa mga linyahan nilang 'in na in' ngayon sa mga beshies.
Mula sa direksiyon ni Jason Paul Laxamana, showing na in cinemas nationwide ang The Ship Show simula nu'ng August 9.
Comentarios