Prangkahan na, Kobe… “AYOKO SA TAMAD AT WALANG DIREKSIYON ANG BUHAY” — KYLINE
- BULGAR
- 2 hours ago
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 21, 20255
Photo: Kyline at Ivana Alawi - YT / SS
Maraming natuwa sa latest collab ni Ivana Alawi sa Kapuso actress na si Kyline Alcantara sa YouTube vlog nito.
Hinamon ni Ivana si Kyline para sa isang street food challenge kung saan titikman nila ang iba’t ibang klase ng street foods.
Akala ni Ivana, hindi ito kakayanin ni Kyline dahil mukha siyang sosyal at maarte. Pero game na game na sumabak si Kyline sa street food challenge at sinabayan si Ivana sa pagkain ng squid balls at iba pang street food.
Ang nakakatuwa, nagagawang isingit ni Ivana ang ilang personal na tanong kay Kyline habang kumakain sila ng street food.
Unang tanong, ano raw ba ang trait na ayaw na ayaw ni Kyline sa isang lalaki?
“Ayaw ko sa lalaking tamad at 'yung walang direksiyon sa buhay,” diretsahang sagot ni Kyline.
At kahit wala siyang binanggit na pangalan, alam ng lahat na para kay Kobe Paras ang sinabing 'yun ni Kyline Alcantara.
Well, parehong kalog sina Ivana at Kyline, kaya swak silang magkasama. At pareho rin na strong woman ang image nila.
TODO ang preparasyon ng lahat ng grupo ng Noranians para sa selebrasyon ng 72nd birthday ng Superstar/National Artist na si Nora Aunor sa araw na ito.
Dahil sa pakiusap ng mga anak ni Aunor ay hindi muna sila didiretso sa puntod ni Guy sa Libingan ng mga Bayani. May inihanda rin kasi sina Lotlot, Ian, Matet, Kiko, Kenneth at iba pang kamag-anak para sa kaarawan ng Superstar. Whole day silang magsasama-sama sa LNMB upang makapiling si Aunor at maging memorable ang 72nd birthday ng Superstar.
Ganunpaman, after 4 PM sa araw na ito, puwede nang dumalaw ang mga Noranians sa puntod ni Nora sa LNMB. Mauuna rin ang mga Noranians na magkakaroon ng activities sa star ng Superstar sa Walk of Fame-Philippines sa Eastwood Park, Libis. Dito ay muling magkikita-kita at magre-reunion ang mga loyal at diehard Noranians.
May special screening din ang pelikulang Faney sa Gateway Mall Cinema 11 bilang tribute kay Nora Aunor.
Ang pelikulang Faney ay idinirek ni Adolf Alix at produced ni RS Francisco. Kasama sa lead cast ng movie sina Laurice Guillen, Gina Alajar, Ian de Leon at may cameo role sina Perla Bautista at Roderick Paulate.
HANGGANG ngayon, hindi pa rin ganap na matanggap ng mga supporters ni Bong Revilla, Jr. ang hindi nito pagkakapasok sa Top 12 senators noong nakaraang eleksiyon, lalo na’t sa unang sultada pa lang ng mga surveys ay laging kasama si Bong Revilla sa Top 13 senatoriables.
Ang lakas-lakas ng kanyang dating at maraming publicities sa mga tabloids at broadsheets. Visible rin siya lagi sa mga TV interviews.
So, saan nga ba nagkulang si Bong Revilla, Jr.? Sadya bang may nagplano na siya ay ilaglag sa Top 12?
Ayon naman sa isang veteran political analyst, naging kampante at lenient masyado ang kampo ni Bong at hindi gaanong nangampanya sa Luzon provinces, ganoon din sa NCR na majority ng botante ay mga kabataan. Ibinuhos ni Bong ang kanyang panahon sa pag-iikot sa Visayas at Mindanao.
Hindi niya natunugan na ilalaglag siya ng mga botante sa Mindanao dahil kasama siya ng Team Alyansa. Naging liability niya ito sa halip na maging bentahe sa kanyang kandidatura.
At kung nanatili raw si Bong sa PDP, baka pumasok pa siya sa Top 12 senators.