Ibinulgar ni Lolit… BONG, HINARANG KAYA ‘DI NANALONG SENADOR
- BULGAR
- 3 hours ago
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | May 21, 2025
Photo: Bong Revilla Jr. - IG
Hindi lang pala si yours truly ang nakaramdam ng lungkot pagkatapos ng election 2025 kundi marami rin pala, lalo na ang mga nagmamahal kay Sen. Bong Revilla, Jr. na may maraming batas na nagawa at may totoong malasakit sa kapwa.
Isa na nga rito si Donya Lolit Solis na nag-post sa social media ng kanyang saloobin para kay Sen. Bong at ito ang kanyang mga sinabi...
“Meron akong feeling of sadness pagkatapos ng election.
“Siguro dahil hindi ko akalain ang naging results sa case ni Bong Revilla na parang may nagbayad para siraan siya nang mag-start pa lang.
“Talagang well-planned ang naging atake sa kanya. At dahil sa pagiging gentleman, walang galit, inis o anuman negative na ginawa dahil hindi nakapasok.
“Tahimik na tinanggap ni Bong ang naging kapalaran n’ya. Kung iyong iba, nagpakita ng bitterness at kung anu-ano ang mga sinasabi, wala kang narinig kay Bong kundi pagbati sa mga nakalusot.
“Iba na rin kasi ang mantra ngayon, mas gusto na ng tao ang confrontational, ‘yung sinasagot mo bawat issue, ‘yung haharapin mo ‘yung nagsasabi ng negative sa ‘yo.
“Ayaw na ng mga young voters ang mga quiet sa mga ibinibintang sa mga kandidato. A real gentleman will show his true color when he lost something important like election.
“Nakita mo ang pagiging tunay na lalaki ni Bong Revilla nang hindi lumabas ang pangalan niya sa mga pinalad.
“Tahimik at walang sinabing masamang salita. Binati n’ya ang mga nanalo, tahimik na hinintay ang final results.
“Binati ang mga pinili ng botante, walang inggit o galit. Kung iyong ilang talunan kung anu-ano sinasabi, wala kang narinig kay Bong. Binati n’ya iyon mga mapalad, at tahimik na tinanggap ang resulta sa kanya.
“It is probably just a sign dahil tagumpay naman sina Lani at Jolo. Baka naman may ibang gusto para kay Bong ang langit.
“Hindi lang ang Senado ang mundo para kay Bong na isang A-list action star, producer, TV star. Napakarami niyang haharapin na trabaho. At puwede na niyang pag-aralan what went wrong sa political career niya.
“Malaki ang magagawa ng anak niyang lawyer na si Inah para makita niya ang pros and cons kung bakit nangyari ang dunking sa candidacy niya.
“Maliwanag na pinag-aralan mabuti iyon pag-pull down sa kanya during the election.
“Whatever it is, at least alam ni Bong Revilla na merong nagba-block para hindi s’ya makaakyat.
“Mga takot na marating pa niya ang mas mataas. Kaya now, mag-iingat na siya at magiging matalas ang pakiramdam sa paligid niya. Bongga,” pagtatapos ni Donya Lolit.
SAMANTALA, inilalarawan ng OPM hitmaker na si Regine Velasquez-Alcasid ang natatanging pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak sa bagong lunsad na Mother’s Day song na Lahat Ay Kayang Gawin na mula sa panulat ng isa pang OPM icon na si Jamie Rivera.
“As a mother, I would take this statement to heart as it is probably my mindset when it comes to taking my role seriously. It is perhaps the most significant endeavor I have next being a wife, of course,” sey ni Regine tungkol sa halaga ng kanta para sa kanya.
Ayon naman sa Inspirational Diva, isinulat niya ang awitin sa ilalim ng Inspire Music para kay Regine dahil sa kanyang admirasyon dito bilang ina.
“I would watch the postings of Regine and I saw how hands-on she is as a mom and how proud she is with Nate’s achievements,” ani Jamie.
Aniya, “I am very happy with her interpretation, and my admiration for Regine grew stronger. The song became more meaningful when Regine sang it because her voice resonates the voice of a loving mom.”
Bukod sa inspirasyon mula sa Asia’s Songbird at sa sarili niyang karanasan bilang ina, humugot din ng inspirasyon si Jamie mula sa kanyang mga kasama sa bahay.
“I also saw the sacrifices that our household helpers are making for their children. They will do anything just to be able to send their children to school and to make sure that they can provide for their everyday needs,” kuwento niya.
Naging masaya naman si Regine sa pagsasama nila ni Jamie para sa espesyal na awitin.
Aniya, “Jamie is a dear friend, and we’ve come a long, long way. Recording with her brings back memories of when we were still starting together in the music industry. I applaud her writing and producing songs all these years.”
‘Yun lang and I thank you.