top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

'Di lang sa isyu ng acne sa mukha nakisawsaw…BOOBS NI HEAVEN, PINAGDUDAHAN DING PEKE NI RR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 4, 2022
  • 2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | September 4, 2022



Ang tarush ni Sawsawera Queen RR Enriquez dahil trending ang YouTube channel niya dahil sa kasasawsaw sa mga personalidad na trending din dahil sa issues nila.


Ang latest ay itong kay Heaven Peralejo na nagsabing may acne siya na naunang pag-usapan din nina Ogie Diaz at Mama Loi sa kanilang Showbiz Update vlog.


Kasama ni RR sa vlog ang kanyang longtime partner na si Jayjay Helterbrand at kaibigang si Rico Maierhofer na kasamahan nito sa PBA Motoclub Team.


Ang dalawang basketbolista ang kabatuhan ni RR na nagbibigay din ng kanilang mga opinyon sa pagiging tsismosa ng dating dancer-turned co-host ni Willie Revillame sa Wowowee ng ABS-CBN.


Ayon kay RR ay napaka-shallow o mababaw ang post ni Heaven tungkol sa acne niya pero katakut-takot na bash ang inabot niya.


Post ng isa sa cast ng A Family Affair, “Just a daily reminder that having acne is nothing to be ashamed of,” at nabanggit na ilang taon din itong pinagdaanan ni Heaven.


“Totoo naman talaga," say ni RR na huwag ikahiya ang pagkakaroon ng acne.


Dagdag pa niya, “Sawsawan natin ito kasi nag-trending siya.”


Hirit naman ni Jayjay, “Ilang taon na ba siya? Wala naman siyang acne?”


“Kaya siya binash, nagsasabi siya about acne, pero wala siyang acne!” katwiran ni RR.


“Dedmahin niya ‘yung mga nagba-bash kasi normal ‘yang acne, kasi hormones mo ‘yan, you’re growing up, eh,” opinyon naman ni Rico.


Binusisi naman ng boyfriend ni RR ang post ni Heaven, “Feeling ko, (sadyang) ipinost ‘yan kasi maganda ‘yung lighting.”


At ipinaliwanag ulit ni RR na nag-struggle dati si Heaven na napagdaanan niya, sabay pakita kina Jayjay at Rico ng larawan ni Heaven na naka-two-piece.


“Mas sexy ang asawa ko d'yan,” sambit ni Rico.


“Grabe, zinoom pa!” malakas na sabi ni RR sa boyfriend.


“Tinitingnan ko lang ‘yung acne!” katwiran naman ni Jayjay.


“Kaya nga, tinitingnan nga namin ang acne, wala naman,” sabi rin ni Rico.


“Grabe, sa katawan ang tingin?” tanong ni RR.


Dagdag pa, “Grabe, umalis lang si misis (ni Rico), zinoom ulit at binabaran pa?”


Samantala, inakala naman ni RR na nagpagawa ng boobs si Heaven na inihingi naman niya ng dispensa kasi sa ipinost na larawan ng aktres ay iba ang puwesto.


Say naman ni Jayjay, "Naka-push-up.”


Napataas ang boses ni RR, “Paano mo nalamang naka-push-up?”


“'Yung bra, that’s a sports bra,” katwiran ng partner ng Sawsawera Queen.


Nagkatawanan ang dalawang basketbolista na dahil sa acne ay nakisawsaw na rin at isinama pa sila ni RR.


“Eh, alam n’yo naman dito sa Philippines, nagiging isyu kaya tayo, hindi tayo nawawalan ng isyu kasi nga nakakatawa talaga ‘yung mga Pinoy,” katwiran ni RR.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page