'Di lang sa alahas, damit, bags at shoes…

JINKEE AT GRETCHEN, PATALBUGAN DIN SA KOLEKSIYON NG TEA CUPS
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | January 10, 2021

Hindi lang sa collection ng jewelries, signature bags and shoes, at mga designer's outfits nagkukumpitensiya sina Gretchen Barretto at Jinkee Pacquiao, kundi pati na sa collection ng mamahaling tea cup set.
Hindi naman sinasadyang nagkaroon ng kompetisyon kina Greta at Jinkee. Nang ma-feature kasi sa vlog ni Jinkee ang collection niya ng sosyal at mamahaling tea cup set ay lumabas din ang kitchen tour ni Gretchen Barretto kung saan ipinasilip niya ang kanyang mamahaling kitchen wares, pati na ang kanyang collection ng tea cup set.
Sobrang mahal ng mga imported tea cup set na ang isang set ay kasinghalaga na ng isang mamahalin at high-end motorcycle. In short, milyones ito!
At mukhang humahabol din sa kompetisyon nina Gretchen at Jinkee si Heart Evangelista. Sa isang vlog ni Heart na house tour, ipinasilip din niya ang kanyang collection ng sosyal na tea cup set.
Sina La Greta, Jinkee at Heart ang masasabing likas na yayamanin at may taste sa pagpili ng mga gamit sa bahay.





Comments