top of page
Kim Chiu - IG.jpg

‘Di lang rapist, sana pati plunderer isama sa death penalty

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 15, 2024
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | August 15, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez

MAINAM ANG PANUKALANG BATAS NI CONG. PULONG NA I-RANDOM DRUG TEST ANG LAHAT NG MGA GOV’T OFFICIAL SA ‘PINAS PARA MALAMAN SINO ANG MGA SUGAPA SA DROGA -- Naghain ng panukalang batas si Davao City Rep. Paolo Duterte na isailalim sa random drug test ang lahat ng opisyal ng pamahalaan, kabilang ang president ng Pilipinas.


Sa totoo lang, mainam ang bill na iyan ni Cong. Pulong, kasi riyan malalaman kung sino sa mga nanunungkulan sa gobyerno ang mga sugapa sa droga, period!


XXX


PANUKALANG BATAS NI SEN. DELA ROSA, SELF-SERVING -- Pinutakti nang batikos ng publiko si Sen. Ronald dela Rosa dahil sa panukalang batas niya na huwag payagan ang International Criminal Court (ICC) na manghimasok sa mga panloob na isyu ng Pilipinas.


Mababatikos talaga siya kasi self-serving ang panukala niya dahil meron siyang kinakaharap na kasong crimes against humanity sa ICC, boom!


XXX


TAMA SI EX-P-DUTERTE NA DAPAT IPA-STOP NG MARCOS ADMIN LAHAT NG ILLEGAL GAMBLING SA ‘PINAS -- Ayon kay ex-P-Duterte, na ngayong pina-ban na ni Pres. Bongbong Marcos ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ang dapat daw gawin ng Marcos admin ay ipatigil na rin ang sangkatutak na illegal gambling sa ‘Pinas.


May punto si ex-P-Duterte sa sinabi niyang ito kasi hanggang ngayon ay ang dami pa rin ng mga gambling lord na may mga ilegal na pasugalan sa iba’t ibang lugar sa bansa, period!


XXX


MGA PLUNDERER, DAPAT ISAMA SA DEATH PENALTY -- Nagsulong si Sen. Robin Padilla ng panukalang batas na bitay sa mga rapist.


Sana isama na rin ni Sen. Padilla ang death penalty sa mga plunderer para matiyak na madededbol na sila at hindi na sila makapagkakandidato uli.


Kasi sa justice system ng bansa na walang death penalty, kapag nakalaya ang plunderer kumakandidato uli ito, at ang masaklap, meron sa kanila ang nagwawagi pa rin sa halalan, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page