'Di lang pinagkaguluhan… KUTSARA, TINIDOR AT PLATONG KINAINAN NI JOSHUA SA KARINDERYA, FOR SALE
- BULGAR
- Feb 23, 2022
- 1 min read
ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | February 23, 2022

Pinagkaguluhan ang aktor na si Joshua Garcia nu'ng panandalian itong kumain sa isang karinderya sa labas ng ABS-CBN Soundstage sa San Jose, Del Monte, Bulacan.
Marahil ay nagutom in between tapings ang aktor kaya't niyaya niya ang kasamahan sa taping na si Jeffrey Santos.
Sa Soundstage ng Kapamilya Network sa Bulacan isinasagawa ang taping ng Darna series kung saa'y kasama nito ang bidang si Jane de Leon.
Habang kumakain, panay ang kuha ng photos ng mga netizens saka ipinost sa social media account ng Antonio Junior Lugaw-Pares eatery kung saan kumain sina Joshua at Jeffrey.
Sabi sa caption na ipinost sa Facebook, "Joshua Garcia and Jeffrey Santos, kahit sila, nasarapan sa AJ bagnet plain rice."
Ang the height, maging ang kutsara, tinidor at plato na ginamit ng aktor ay 'for sale'.
"At ang kutsara na ginamit ni Josh, naitabi pa po namin. Kaya tara sa island talipapa, palmera 588-b, SJDM, 24 hrs. po kami.
"Ibinebenta po namin ang pinagkainan niya, hahahahaaha!" ayon sa may-ari ng kinainang karinderya.








Comments