‘Di lang pera sa bangko ng CPP-NPA, isama na sa mga trapo at buwaya sa gobyerno, i-freeze na rin!

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 29, 2020
DAPAT SI SEC. DUQUE ANG UNANG PABAKUNAHAN NI P-DUTERTE NG SINOVAC—Matapos isapubliko ng Department of Science and Technology na 50% lang ang efficacy ng bakunang Sinovac na gawang China, sinabi ni DOH Sec. Francisco Duque III na puwede na rin daw ito dahil pasok ito sa pamantayan ng WHO (World Health Organization).
Aba, kung ganyan na ilalagay ng DOH sa 50-50 ang buhay ng mga Pilipino dahil sa 50% efficacy ng bakunang ito, dapat hindi mga sundalo at pulis ang unang pabakunahan ni P-Duterte ng Sinovac, kundi si Duque, period!
◘◘◘
DAPAT KAY DUQUE MAGPAKITA NG GALIT SI P-DUTERTE, HINDI SA U.S. AT PFIZER—Kung hindi lang sana dinedma ni Sec. Duque ang pakikipag-negosasyon sa kumpanyang Pfizer na gawang Amerika na ang efficacy ay 95% ay sa Pilipinas dapat napunta ang 10 milyong dose ng bakunang ito at hindi sa Singapore.
Ang nakapagtataka lang kay P-Duterte, imbes na kay Sec. Duque magpakita ng galit, eh, ang Amerika ang bina-bluff na kesyo gawang hindi raw nakapag-deliver ng 20 milyong dose ng bakunang Pfizer sa Pilipinas ang US ay tuluyan na raw ibabasura ng Duterte gov’t. ang VFA (Visiting Forces Agreement) ng ‘Pinas at ‘Tate, boom!
◘◘◘
KURAKUTAN SA PAGBILI NG BAKUNA?—Dahil nga ayaw ng mayoryang Pinoy ang bakunang Sinovac na gawang China ay ang target naman ngayong bilhin ng pamahalaan ay ang bakunang AztraZeneca na gawang Europe at okey na sana ito, kaya lang ay nabisto ni Sen. Imee Marcos na mas mahal ang ibabayad dito ng Duterte gov’t. kaysa sa tunay na mababang presyo nito.
Ganu’n? Eh, baka ‘yan na ‘yung sinasabing kickback o kurakutan sa pagbili ng bakuna, buwisit!
◘◘◘
HINDI LANG ASSETS NG CPP-NPA ANG DAPAT I-FREEZE, KUNDI PATI ASSETS NG MGA TRAPO AT BUWAYA SA GOBYERNO—Ayon kay AFP (Armed Forces of the Philippines) spokesman Gen. Edgard Arevalo ay ngayong idineklara na ng Anti-Terrorism Council (ATC) ng Duterte gov’t. na terorista ang CPP-NPA (Communist Party of the Philippines-New People’s Army) ay puwede na raw i-freeze ng pamahalaan ang mga assets sa bangko ng mga komunista sa bansa.
Bakit CPP-NPA lang? Sana pati assets ng mga trapo (traditional politicians) at “buwaya” sa gobyerno ay i-freeze na rin kasi pera ng mamamayan ang kanilang ninakaw sa kaban ng bayan, period!





Comments