top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

'Di lang pang-acting… BEAUTY, PASOK NA RIN SA EAT… BULAGA!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 15, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | July 15, 2022




Hindi lang sa aktingan nagpakita ng galing si Beauty Gonzales na markado ang role bilang Cindy sa The Fake Life. Sumasabak na rin siya ngayon sa pagho-host ng noontime show.


Pasok na si Beauty sa Eat… Bulaga! at makakasama nina Maine Mendoza, Maja Salvador at Ryzza Mae Dizon.


Confident naman si Beauty na kakayanin ang challenge sa kanya bilang host ng EB!.


Tiyak na madali siyang makaka-adjust sa mga Dabarkads na sina Jose Manalo, Allan K., Wally Bayola, Ryan Agoncillo at Paolo Ballesteros.


For sure, aalalayan din siya nina Bossing Vic Sotto at Joey de Leon.


Kung tutuusin, passion lang ni Beauty ang pag-arte at pagiging bahagi ng showbiz.


Super rich ang kanyang napangasawa at hindi na niya kailangang magtrabaho pa.


Pero, masaya si Beauty sa kanyang buhay ngayon dahil may feeling of fulfillment siyang nadarama at lumalawak ang kanyang kaalaman sa maraming bagay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page