‘Di lang nag-pole dancing… KIM, NAG-TOPLESS SA HARAP NI PAULO
- BULGAR

- 3 hours ago
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 6, 2025

Photo: FB Paulo Avelino
May bago na namang pasabog ang Chinita Princess na si Kim Chiu sa 4th project na pinagsasamahan nila ng ka-love team niyang si Paulo Avelino, ang murder-mystery romance series na The Alibi na ipapalabas sa Prime Video simula bukas, November 7.
Kung sa huling serye nilang Linlang, daring na Kim na nakikipag-kissing and love scenes bilang ‘unfaithful wife’ ang nanggulat sa lahat, sa The Alibi, tinilian ang pole dancing scene ni Kim sa harap ni Paulo sa ginanap na blue-carpet screening-mediacon last Tuesday night sa Trinoma.
Nang tinanong ng aming kasamahang writer dito sa BULGAR na si Reggee Bonoan kung paano napapayag si Kim sa role na escort girl at sa pole dancing scene, natatawang sagot ng Chinita Princess, sa edad niyang 38 yrs. old, dapat na nga rin siyang mag-level-up bilang aktres.
Bagong challenge sa kanya ang karakter bilang si Stella sa The Alibi kaya bakit nga naman ‘di niya tatanggapin?
Puring-puri naman si Kim ng mga direktor niyang sina Jojo Saguin, Onat Diaz at FM Reyes dahil nagawa niya with flying colors ang naturang controversial scene kung saan nag-topless pa ang aktres, pero marami pa raw pasabog si Kim na dapat abangan dahil first episode pa lang ang napanood sa special screening.
Sabi nga ni Direk Onat, “matalinong artista” si Kim kaya hindi sila nahihirapan sa mga eksena kahit gaano pa ito kabigat.
At dahil The Alibi ang title ng series, natanong sina Kim at Paulo ng vlogger-writer na si Allan Sancon kung nag-alibi na ba sila sa isa't isa in real life.
Natatawang kuwento ni Kim, petty alibis lang naman ang ginagawa niya kay Paulo sa taping nila. Mahilig daw kasi siyang kumain ng chips kaya sinasabihan siya ni Paulo na “Ang laki ng tiyan mo!”
Nag-a-alibi raw siya pero kita naman at buking sa kanyang mga kuko ang chips cracks kaya nangingiti na lang din si Paulo at idinagdag na nag-a-alibi rin si Kim ‘pag laging late sa taping ng serye.
Nu'ng si Paulo naman ang nag-share, never daw siyang nag-alibi kay Kim dahil lahat ng sinasabi niya ay totoo at ‘pag may kasalanan naman daw siya ay marunong siyang tumanggap ng kamalian.
Hmmm… base sa mga sagot nila, sa palagay n’yo ba, nag-a-alibi lang sila na wala pa rin silang relasyon? Char!
Kasama nga rin pala sa star-studded cast ng The Alibi sina John Arcilla, Zsa Zsa Padilla, Sofia Andres, Irma Adlawan, Rafael Rosell, Robbie Jaworski, Angelina Cruz, Alyanna Angeles, Alma Moreno, PJ Endrinal, Lotlot Bustamante, Ian de Leon, Romnick Sarmenta, Enzo Osorio, Ayesha Bajeta, Thou Reyes, Alora Sasam, Marvin Yap, Johaira Omar, Yesh Burce, at Kim Tubiano.
Mula sa direksiyon nina Onat Diaz, Jojo Saguin at FM Reyes, at under the production ng ABS-CBN’s Dreamscape Entertainment, mapapanood na ito sa Prime Video simula Nobyembre 7, Biyernes at weekly ay may mapapanood na bagong episode sa Pilipinas at sa mahigit 240 countries and territories.
MULI na namang natanong ang mabait at kilalang makataong hepe ng Public Attorney’s Office na si Atty. Persida Rueda-Acosta tungkol sa pagpu-push sa kanya ng marami nating kababayan na tumakbong senador sa ginanap na get-together merienda ng PAO para sa mga taga-media kahapon.
Aware naman si PAO Chief na marami talaga ang pabor at nagtutulak sa kanyang tumakbong senador dahil sa malinis na record niya sa ahensiya at sa napakaraming kababayan nating natutulungan ng kanilang opisina na walang kakayahang magbayad ng private lawyer para ipagtanggol ang kanilang sarili kapag naaakusahan sa isang krimen o kapag sila naman ang naaagrabyado.
Pero tulad ng dati pa niyang paulit-ulit na sinasabi, “Wala sa ambisyon ko ang maging senador. Kung ako’y papalaring mapasama sa Senado pagkatapos ng term ko, ang Panginoon lang ang nakakaalam.”
At dahil marami nga ang bilib sa integridad ni Atty. Persida, may naririnig kaming hindi lang sa pagka-senador siya itinutulak kundi maging sa pagka-pangulo ng Pilipinas.
Diretsong sagot ni Atty. Persida, “Naku, ayoko du’n, papatayin ako du’n.”
Well, kilala naming walang inuurungan at talagang palaban si Atty. Persida, pero sa ngayon, nakikita naming ine-enjoy niya ang kanyang buhay at tungkulin bilang PAO Chief.
Ang hilig ni Atty. Persida sa pagkanta ang pambalanse niya sa stressful niyang trabaho. Nagko-compose rin siya ng songs na ang ilan nga ay ginagamit pa nila sa PAO.
Ibinalita rin ni Atty. Persida na may plano nang gawing movie ang buhay niya at sana raw ay matuloy dahil isang sikat at magaling na aktres ang gaganap dito. Napakagaling na direktor din ang magdidirek ng movie na ang plano ay ipalabas din internationally bukod dito sa atin.
Well, ayaw pang magbigay ng clue ni Atty. Persida kung sino ang aktres at direktor, pero sure kami, pag-uusapan ang movie kapag naipalabas na sa dami ng highlight sa buhay ng PAO Chief.








Comments