'Di lang kina Sharon at Sen. Kiko… KC, IPINAKILALA NA RIN ANG BF KAY GABBY
ni Julie Bonifacio @Winner | February 24, 2023

Nakabalik na ng Pilipinas si KC Concepcion. And guess what? Ay, guess who pala kung sino ang bitbit niyang pasalubong for her family and friends?
Walang iba kundi ang rumored boyfriend niya na isang Filipino-Swiss named Steve Michael Wuethrich.
Spotted si KC kasama si Steve sa wedding ng pamangkin ng kanyang “Daddy F” (‘yan ang dating tawag ni KC sa kanyang stepfather na si former Senator Francis “Kiko” Pangilinan) sa Batangas.
Kahit nasa bandang dulo at may kalayuan na sa isang group photo after the wedding nina Gab Pangilinan at Myke Salomon, naispatan pa rin ng mga Marites na magkatabi sina KC at Steve.
“Iba talaga ang linaw ng mata kapag Marites ka.”
“Grabeng linaw ng mata ng mga netizens. Ang tagal kong naghanap sa 2nd photo, naka-encircle na pala sa 3rd. Lol. Akalain mo, nakilala pa nila, blurred na 'yan.”
Siyempre, ‘di mawawala ang mga bashers ni KC at tinawag na “matanda” si Steve.
“Kasama na naman si Tatang.”
“Akala mo lang matanda but he is only 40 turning 41, eh, si KC naman, turning 38 na. Bitter lang.”
“Forty years nang nagwo-work as financial analyst, hindi 40 years old, anuber.”
Definitely, pormal nang naipakilala ni KC si Steve kina Megastar Sharon Cuneta at Kiko, pati na sa buong angkan ng Pangilinan.
“Buong angkan ang aaway kay Mike kapag niloko niya si KC! Magbait ka na, Wuethrich!”
Anyway, ‘di na rin nag-aksaya ng panahon si KC since nasa Batangas na sila ni Steve.
Dinalaw na rin niya ang kanyang ama na si Gabby Concepcion kung saan may rest house roon ang aktor.
At dahil naipakilala na ni KC si Steve sa kanyang mga kapamilya, walang duda na sila na talaga.
This might be the reason kaya kinlaro na finally ni KC ang tsika sa kanila ng Black Eyed Peas singer na si Apl.de.Ap. Nag-release ng statement si KC bago niya inilantad si Steve sa publiko na wala silang romantic relationship ni Apl.de.Ap.
Since parehong nasa tamang edad at stable na emotionally, mentally and financially ang dalawa, kaya ‘wag magulat if any moment ay may kasalan nang maganap kina KC at Steve this year.





Comments