top of page
Search
  • BULGAR

'Di lang kausapin... Maggie, binawalan din ng korte na mag-post ng photos at videos ng anak

ni Angela Fernando @News | May 13, 2024


Ibinahagi ni Maggie Wilson sa Instagram ang throwback photos kasama ang kanyang anak na si Connor upang gunitain ang Mother's Day.


Naging emosyonal ang model matapos niyang ikuwentong ilang taon na niyang hindi nakakasama o nakakausap ang anak.


“Photos taken on Mother’s Day 2022. It’s been almost two years since I last held him and 494 days since we last spoke. I’ve missed 2 birthdays, 2 Christmas’, 2 New Year’s celebrations and countless milestones. There is nothing more painful than the loss of a child who I know is growing up without me,” caption ni Maggie.


Binigyang-diin din ng model ang dahilan kung bakit hindi na siya nagbabahagi masyado ng mga kuwento at posts tungkol sa anak.


“You may have noticed that I’ve been posting less about him. It’s because I received a notice for a Protection Order for sharing images and videos of my own son on social media. To stop me from seeing or speaking to him until he is an adult," dagdag pa nito.


Matapang ding sinabi ni Maggie na ninakawan siya ng kanyang nakahiwalay na mister ng karapatang maging ina kay Connor.


"I am a mother but I have been robbed of being able to be a mother. Nonetheless, I will always be his mommy and that is something no one, not even time can erase. You are always with me Connor. Forever in my heart, in my mind, and my prayers. One day bubbah. Our time will come. I will never lose hope. I love you and miss you dearly my little man,” ani Maggie.


Marami namang netizens ang nakisimpatya sa pagsubok na hinaharap ni Maggie dahil mahirap daw talaga para sa isang ina na pagbawalang makita ang sarili mong anak.

0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page