top of page
Search
  • BULGAR

'Di lang ito chismis… BIGTIME BUSINESSWOMAN, 'DI MA-TAKE NA TODO-DISPLEY PA ANG MISTER SA KABIT NA SEKSING SOCIALITE, IDINEMANDA NG CONCUBINAGE

ni Janiz Navida @Showbiz Special | January 24, 2024


BLIND ITEM:


Mala-teleserye pala ang love story ng mag-asawang big-time businessmen na pinag-uusapan at bulung-bulungan ngayon sa showbiz world dahil sa kasong concubinage at VAWC na isinampa ni misis sa kanyang mister.


Actually, may dekada na yatang hiwalay ang mag-asawa. Pero dahil quiet lang sila at nag-iingat dahil may mga negosyo nga silang maaaring maapektuhan sa kanilang hiwalayan, naitago nila ang kanilang sitwasyon.


Pero nitong mga huling buwan, nasagad na nga ang pasensiya ng misis dahil kahit 'di pa sila annulled ng kanyang mister, todo-displey na ito sa ipinalit sa kanyang mas bata at seksing socialite na diumano'y hindi rin naman loyal sa guy dahil balitang may mga kulukadidang ding mga mas batang lalaki.


Na-hurt lang siguro ang misis na negosyante dahil inisip niya ang kahihiyan ng mga anak nila na tanggap naman na sana ang nangyari sa kanilang parents, kaso nga, may mga 'conjugal properties' na involved sa usaping ito kaya umabot na sa korte.


Abangan na lang natin kung ano'ng magiging ending ng usaping ito since nai-file na nga ng misis ang concubinage at VAWC laban sa kanyang mister na negosyante rin.




Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page