top of page
WINNER - SEN. ROBIN, NAKIPAGKAMAY NA KAY SEN. KIKO_FB Circulated.jpeg

Eala dinumog sa homecoming, hero's welcome at Gawad Sulo

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
2 min read

by Gerard Arce @Sports News | November 25, 2026



 Nagbigay-pugay para kay Pinay tennis ace Alex Eala ang mga estudyante ng Pasig Central Elementary School sa kanyang homecoming at hero's welcome kahapon kasama sina pole vault champ EJ Obiena at Olympic gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo.  (Reymundo Nillama)

Photo: Nagbigay-pugay para kay Pinay tennis ace Alex Eala ang mga estudyante ng Pasig Central Elementary School sa kanyang homecoming at hero's welcome kahapon kasama sina pole vault champ EJ Obiena at Olympic gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo.  (Reymundo Nillama)


                     

Pagbabalik-tanaw sa kabataan ang binigyang-pansin ni Pinay tennis ace Alexandra “Alex” Eala nang bigyang-pugay sa mga naambag sa women’s sports at nagsisilbing inspirasyon sa kabataan. 


Sinalubong ng hero's welcome ang 21-anyos na WTA World No. 15 player sa pagbabalik sa Pasig City kahapon kung saan siya unang natuto ng tennis at nabuo ang  pangarap at makilala sa buong mundo. 


Si Eala  ay hinandugan ng hero's welcome at homecoming event ng Milo sa lungsod na iyan noon kung saan nakasama ang nakababatang kapatid na si Miko at lolo na si Roberto “Bobby” Maniego  ngayon ay naging bagong mukha ng energy drink para sa mga kabataan.


“Kayong mga kabataang Pinoy at sa lahat ng andito ngayon, maraming salamat sa oras na ibinigay ninyo para makasama ako ngayon. Kayong mga kabataang Pinoy ang nagsisilbing inspirasyon sa aming mga Pambansang atleta. Kayo ang motibasyon namin para lumaban pa sa tuwing nagko-compete kami sa abroad,” pahayag ni Eala nang tanggapin ang Gawad Sulo mula sa DepEd. 


“Ang pangarap ko para sa inyo, for the youth, is that you guys take up sports, dahil marami kayong matutunan sa sports, kung tennis man yun, weightlifting, football, pole vaulting, kahit ano man, ang pangarap ko sa inyo ay andyan talaga ang pagmamahal n'yo sa sports, kung anuman ang pipiliin nyo.”


Ipinunto rin ng 5-foot-9 Pinay ang paglawak ng pampalakasan sa kababaihan kasama si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo ng weightlifting,  gayundin ang close friend na si 2-time Olympian at World No.10 pole vaulter Ernest John Obiena.  Naroon din sina President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., DepEd Sec. Sonny Angara Jr., at Pasig City Mayor Vico Sotto.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page