'Di lang ipino-post sa socmed… MARIAN, MAY KOLEKSIYON NG HERMES BAGS AT LUXURY WATCHES
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | November 3, 2022

Kung ang ibang celebrities ay todo-proud na idinidispley sa social media ang kanilang collection ng branded bags, relo at alahas, si Marian Rivera naman ay tahimik lang at hindi nakikipagkumpitensiya sa pabonggahan ng mga mamahaling gamit.
Pero isang vlogger ang naglabas sa social media ng bag and luxury watch collection ng Primetime Queen.
Hindi lang pala sina Jinkee Pacquiao, Dra. Vicki Belo, Sharon Cuneta, Mariel Padilla, Heart Evangelista at Kim Chiu ang may collection ng mga branded bags and watches.
Sa post ng nasabing vlogger ay siyam na Hermes bags ang pag-aari ni Marian. May kulay white, red, yellow, blue, orange, green, black, fuchsia pink at aqua.
Makikitang gamit ni Marian ang kanyang Hermes bag base sa kulay ng suot niyang damit.
Bukod dito, may collection din siya ng mga luxury wristwatch tulad ng Patek Philippe, Bulgari, Cartier, Rolex, Van Cleef, Chanel, Buccellati atbp..
Pinakamahal niyang relo ay ang Patek Philippe na worth P4.1 M. Ang ibang relo ay milyun- milyon din ang halaga na halos P15 M ang suma-total. Bukod pa rito ang kanyang collection ng jewelries.
Well, malaki naman ang kinikita ni Marian Rivera sa kanyang mga endorsements. At may sarili rin siyang negosyo na kumikita rin nang malaki.
Bukod sa kanyang Flora Vida flower shop, may Flora Vida home line rin siya at Flora Vida clothing line na napakaelegante ng mga designs.
Hindi rin niya ganap na pinababayaan ang kanyang showbiz career kahit na may asawa't anak na siya. May show pa rin siya sa GMA-7, ang Tadhana.





Comments