'Di lang endorser, may sarili nang beauty products… IVANA, SEXY VLOGGER NOON, CEO NA NGAYON
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | February 17, 2022

Ceo na ngayon ng sarili niyang kumpanya ang sexy star-vlogger na si Ivana Alawi.
Kamakailan ay ini-launch na niya ang kanyang Ivana skin products na ilang taon munang tinuklas ang tamang formula sa tulong ng mga kaibigan niyang nasa linya ng beauty and wellness products.
Personal na ginagamit ito ni Ivana at ipinasubok din niya sa kanyang kapatid na si Mona, sa kanyang mama, at sa kanyang brother na si Hash.
Lahat sila ay nagkaroon ng magandang experience at pagbabago sa kanilang kutis. Bukod daw sa nakakaputi ng mukha ay nakakatanggal din ng pekas, atbp. blemishes sa mukha.
At sa kaso ni Ivana Alawi, kitang-kita naman na flawless ang kanyang kutis na mala-porselana.
Ginagarantiyahan ni Ivana Alawi ang effectiveness ng kanyang beauty products dahil ilang taon nila itong sinubukan bago inilabas sa merkado.
For sure, patok na patok ito sa mga girlash. Puwede rin itong gamitin ng mga kalalakihan.





Comments