‘Di lang ekonomiya ng Visayas at Mindanao ang apektado ng bagyo, buong bansa damay din
- BULGAR

- 6 hours ago
- 2 min read
ni Ka Ambo @Bistado | November 6, 2025

Sinalanta na naman ang Cebu at karatig lugar sa Central Visayas ng kalamidad.
Matapos ang lindol, baha at bagyo naman.
-----$$$--
Malinaw na apektado, hindi lang ang aktuwal na ekonomiya ng Visayas at Mindanao — bagkus damay na rin ang buong bansa.
Sumasabay ito sa bagsak na kalakalan sa stock market at mababang halaga ng piso kontra dolyar.
-----$$$--
SA maniwala kayo o sa hindi, paghandaan ang matinding krisis sa kabuuan ng 2026 at 2027.
Madadamay dito ang mga kandidato ng administrasyon.
-----$$$--
ANUMANG krisis ay nakikinabang ang oposisyon o mga kritiko ng administrasyong may kontrol sa gobyerno.
Hindi apektado si PBBM, dahil hindi naman siya kakandidato, ang apektado ay kung sino ang kanyang ieendorso.
-----$$$--
PERO, hindi iyan ang isyu, bagkus ang pakikipagkaibigan o pakikipag-areglo ng US sa China.
Delikado ‘yan.
-----$$$--
PUWEDE kasing isakripisyo ng US ang Pilipinas.
Posibleng ito ang lihim na nararamdaman ni PBBM kaya’t nakipagkamay agad kay Pres. Xi Jinping sa APEC sa South Korea.
Pero, huli na — kasi’y nauna niyang inupakan ang China sa ASEAN sa Malaysia.
-----$$$--
MAY mga nagsasabi na “walang patol” ngayon ang ‘Pinas kumpara nang nakaupo si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ipinakita ni Digong ang pagkakaroon ng “disposisyon” nang upakan si ex-President Barrack Obama pero nakipagkaibigan kay US President Donald Trump at mismo kay Xi Jinping.
----$$$--
BAGAMAN ‘binobola’ lang ni Digong si Xi Jinping, hindi ito bumigay o pumatol, bagkus ay nananatiling brusko pa rin sa West Philippine Sea.
Kumbaga, hindi puwede ang “boladas” sa international diplomacy.
-----$$$--
KAILANGANG ipakita ni PBBM ang pagiging “strong leader” — hindi lang sa harap ng kanyang mga kababayan, bagkus maging sa international scene.
Paano?
Mahirap sagutin.
----$$$--
BINOMBA, pinasabog ang ilang cargo vessels at nilusob ni Trump ang Caribbean malapit sa Venezuela.
Ikinatwiran ni Trump ang talamak at hindi maawat na illegal drugs trafficking.
----$$$--
NAUNA kay Trump, walang patumanggang nilabanan at nagdeklara ng giyera kontra-droga si Digong.
Hindi nagalaw ng mga kritiko ng “extra judicial approach” si Trump.
Pero, si Digong ay nagdurusa sa ICC sa krimen na ang mithiin ay lipulin ang mga drug trafficker.
-----$$$--
MANANATILING malaking isyung international ang diskarte ni Trump laban sa drug cartel dahil kahit walang “due process”, pinarusahan niya ng kamatayan ang mga nasasangkot.
Maselang isyu ito na dapat ay binabatikos ng ICC.
Bakit sila tameme?
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.








Comments