top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

'Di lang basta tropa… CRISTINE, GAME DYOWAIN SI COCO

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 28, 2023
2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | April 28, 2023



Binalikan ng mga netizens ang interbyu ni Cristine Reyes sa programa noon ni Boy Abunda sa ABS-CBN na may kinalaman sa boyfriend niya ngayon na si Marco Gumabao.


May segment kasi sa naturang talk show ang King of Talk na kung tawagin ay "Jojowain o Totropahin challenge".


Sa mga larawan ng mga aktor na ipinakita ni Boy kay Cristine, tanging ang dalawang Kapamilya actors na sina Sam Milby at Zanjoe Marudo lang ang sinabi nitong "jojowain" niya.



Samantala, ang mga larawan naman ng mga aktor na sina RK Bagatsing, Xian Lim, Gerald Anderson at kabilang nga rin dito ang larawan ng dyowa na niya ngayon na si Marco Gumabao ang pinili ni Cristine na "totropahin" lang niya.


Pagdating naman sa aktor na si Coco Martin, pinili ni Cristine ang option na "both" kasi hindi pa raw niya nakakasama si Coco. So, hindi pa siya sure kung ano ang ugali nito, pero puwede naman daw itong dyowain o tropahin.


Naintriga naman si Boy sa naging sagot ni Cristine na "totropahin" lang daw niya ang hunk actor na si Marco, kasi ang pagbibiro pa ng King of Talk, para sa kanya raw ay "jojowain" niya ito.


Ang sagot ni Cristine, "Ang bata pa ni Marco," at dinugtungan pa ng, "Ano ako, cougar?"


Kaya naman, hindi rin natin masisisi ang mga netizens na magulat sa nagkalat na mga sweet photos ng dalawa sa social media.


Lalo nga at kinumpirma na ni Marco sa mga ipinost niyang cozy photos nila ni Cristine sa kanyang Instagram account ang pagkakaroon nila ng relasyon. Nilagyan pa niya ito ng caption na: "My home and my adventure all at once."


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page