'Di lang basta pinawawalisan… IAN, BAGO GUMULONG, LUPA, PINAIISPREYAN NG MADIR NG LYSOL
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | March 1, 2022

Naging artista noon ng Seiko Films si Ian Veneracion. Totoy na totoy pa siya nang magsimulang gumawa ng pelikula sa Seiko Films. Kaya, maraming alam na kuwento tungkol kay Ian si Robbie Tan, ang producer ng Seiko.
Tandang-tanda pa ni Robbie na 16 yrs. old na si Ian ay sinasamahan pa ng kanyang mommy sa CR upang bihisan kapag nasa set. Ganu'n katindi kung alagaan si Ian ng kanyang mommy.
Isa pang kuwento na talagang naaliw kami ay kapag may eksena raw si Ian na kailangan niyang gumulung-gulong sa lupa, talagang ipinalilinis-pinawawalisan muna ito ng kanyang mommy, pagkatapos ay mag-i-spray ng Lysol na anti-bacterial spray.
Ayaw ng mommy ni Ian na nadudumihan siya. Parang baby ang aktor na binabantayan at inaalagaan 'pag nasa shooting.
Mabuti na lamang at nang magbinata na si Ian ay hindi na siya naging maselan. Hindi na rin siya sinasamahan at binabantayan sa shooting ng kanyang Mommy.





Comments