top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

'Di lang basta ipinakilala sa pamilya… NADINE, INIUWI NA SA BAHAY NG FRENCH BF

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 3, 2022
1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 3, 2022




Sa bagong post ni Nadine Lustre sa kanyang Instagram account, makikita ang masaya nilang pag-i-skiing ng French boyfriend na si Christopher Bariou sa France.


Kasama ang mga kaibigan, masayang nag-skiing sina Nadine sa Val-d'Isère, ang ski resort na nasa French Alps.


Super enjoy din ang aktres sa pag-stay nila sa luxury resort while relishing the snow-covered mountain view. Trending sa social media ang posted photos ni Nadine.


Isinama ni Christophe ang girlfriend sa kanyang homeland. Na-meet na ng aktres ang buong pamilya ng BF na nasa France.


Ang iba namang family ni Christophe na nasa Siargao ay nakadaupang-palad na rin ng aktres. Maging ang family ni Nadine ay naka-bonding na rin ng boyfriend niya.


Gusto na ring tumira ni Nadine sa Siargao kaya bumili siya ng property doon para sa kanilang pamilya.


Kaya ang tanong ng mga netizens, may plano na raw bang magpakasal ang dalawang personalidad?


Si Christophe ay isang businessman na naninirahan sa Siargao kung saan nagmamay-ari siya ng isang resort doon sa isla at siya rin ang founder-owner ng BE Siargao Lifestyle.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page