top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

‘Di lang babae… DATUNG, DAHILAN NG HIWALAYAN NINA POKWANG AT LEE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 4, 2023
  • 1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | February 4, 2023




Emosyonal si Pokwang nang humarap sa interview ni Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda.


Dito ay inamin niya ang totoong dahilan ng hiwalayan nila ni Lee O’Brian na anim na taon niyang nakarelasyon at tatay ng anak niyang si Malia.


Pangalawang dahilan na lang pala ang sinasabing may bago nang babae ngayon si Lee na kakulay at singpayat din ni Pokie.


Umamin ang komedyana na ang tunay palang dahilan ng kanilang hiwalayan ay ang negosyo nilang PokLee bottled products.


“'Yung negosyo kasing 'yun, hindi mauumpisahan kung hindi ako naglabas ng pera. So, in all fairness to him, talagang pinush niya na dapat ganito, dapat ganyan. Okay, so maganda 'yung takbo,” panimula ni Pokwang.


“Dumating 'yung panahon na may mga questions na ako. I'm not saying na hindi siya mapagkakatiwalaan. Karapatan ko kasi bilang partner mo sa negosyo na malaman ano na tayo, nasaan na tayo, ano na 'yung nangyayari? Nagpapa-update lang naman ako sa kanya which is feeling ko, karapatan ko 'yun,” dagdag niya.


Du’n na raw nagsimula ang hindi nila pagkakaintindihan ni Lee.


“Hindi niya nagustuhan. Parang ang dating sa kanya, hinuhusgahan ko na siya agad. Parang tinanggalan niya ako ng karapatan na malaman,” emosyonal na sabi ni Pokwang.


Umasa pa raw siyang maaayos pa nila ang problema para sa anak nilang si Malia pero hindi na nga nangyari kaya tuluyan na silang naghiwalay.


Sa ngayon, mukhang aabot na sa korte ang problema ng dating magkarelasyon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page