'Di lang ayudang pagkain… LA GRETA, NAMUMUDMOD NA RIN NG AMBULANSIYA
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | February 23, 2022

Level-up na ang pa-ayuda ni Gretchen Barretto. Kung dati, bigas at groceries ang kanyang ipinamimigay, ngayon, ambulansiya na para sa mga ospital.
Ang unang masuwerteng mabibigyan ng ambulansiya ay ang Victor R. Potenciano na nasa EDSA, Mandaluyong City.
Sa IG account ni La Greta, sinabi niyang tutuparin niya ang hiling ng VRP hospital. Gift daw niya ito sa 49th anniv ng nasabing hospital.
Pero bukod sa ambulansiya, mamamahagi pa rin siya ng mga bigas sa mahigit isanlibong nagtatrabaho sa ospital.
Ani La Greta: “Hi, I’m happy to announce that on February 24, I’ll be granting the wish of Victor Potenciano Hospital, VRP 'yun, sa Mandaluyong, EDSA.
“It’s going to be their 49th year, so I will be launching my first ever "Love Is Essential" ambulance and that is my 49th anniversary present.
“And that is the wish that I’m granting them. And also, to the frontliners of VRP, on that day, we will be granting 1,024 frontliners.
“So, since it's February, and I said it’s a month of love, let’s all spread love. So, mine is on Thursday, February 24.”
Makikitang dalawang ambulansiya ang nakaparada sa garahe. Meaning, may isa pang pagbibigyan ang aktres.
Hindi pa niya tinutukoy kung kanino ibibigay ang isa pa, later na lang daw niya sasabihin.
Sa comment section ng IG ni La Greta, pawang magagandang komento ang mababasa.
"Sana all, ang mga artista, like La Greta."
"Napaka-generous n'yo po. Sana ol."





Comments