'Di lang ang kina Vice at Ivana… COCO-JODI MOVIE SA MMFF, BOKYA RIN SA AWARDS
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | December 30, 2022

Bokya naman, as in zero award, ang mga pelikulang Partners in Crime starring Vice Ganda and Ivana Alawi at Labyu with an Accent nina Coco Martin at Jodi Sta. Maria sa katatapos lamang na Metro Manila Film Festival Awards Night 2022.
Mabuti pa nga ang My Teacher at Family Matters dahil nakakuha ito ng special award na Gender Sensitivity at Gatpuno J. Villegas Award respectively.
May nabasa nga kaming komento ng isang netizen na hindi na raw marahil ine-expect ni Vice Ganda na manalo pa ng award dahil ang goal lang naman daw nito ay kumita.
Kunsabagay, partly true rin naman ito dahil lagi nga ring sinasabi ni Vice na bonus na lang kapag nanalo sila ng award dahil ang importante sa kanila ay nakapagbigay sila ng kasiyahan sa mga manonood.
Expected na naming hindi mano-nominate si Vice Ganda sa Best Actor category pero ang ikinagulat namin, hindi rin nominado si Coco na kilala naman nating napakahusay na aktor.

Hindi pa namin napapanood ang movie ni Coco kaya hindi namin masabi kung deserved ba niya na hindi man lang ma-nominate as Best Actor at kung talaga bang walang kuwenta ang pelikula tulad ng mga naririnig namin.
If so, nakakahinayang ang talent ni Coco lalo pa nga’t bihira siyang gumawa ng movie.
He’s an award-winning actor at siyempre, inaasahan na natin na kapag gumawa siya ng proyekto ay de-kalidad at pang-award talaga, lalo pa nga’t isa rin siyang magaling na direktor.
Nakakaloka lang na ang isang tulad ni Coco Martin na premyadong aktor ay hindi man lang nominado as Best Actor. Sa totoo lang, hindi niya dapat hinahayaang mangyari ito.





Comments