top of page
Gelli de Belen - IG.jpg

‘Di lang ang I’m Perfect… 3 PANG MOVIES NA PRODYUS NI SYLVIA, JOIN SA MGA INTERNATIONAL FILMFEST

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | October 5, 2026



SHEET - 3 PANG MOVIES NA PRODYUS NI SYLVIA, JOIN SA MGA INTERNATIONAL FILMFEST_IG _sylviasanchez_a

Photo: IG _riverjoseph & FB Puregold Cinepanalo



Suportado ni Sylvia Sanchez ang Puregold CinePanalo Film Festival (PCPFF) 2026 bilang producer ng Nathan Studios. Dapat na nagsusuportahan silang mga movie producers para sa industriya.


Nitong Sabado, Oktubre 3, nakita namin si Sylvia kasama ang hubby na si Papa Art Atayde at mga kaibigang matagal na niyang kasama sa lahat ng laban niya sa buhay.

Ilang beses na yatang napanood ng pamilya Atayde ang pelikulang Apol of My Ai (AOMA) dahil bida ang manugang niyang si Zanjoe Marudo at isa rin ito sa mga producers ng pelikula.


Nagandahan si Ibyang sa pelikula, feel-good movie at siyempre, proud siya sa aktor na nanalong Panalong Pangalawang Aktor.


Napanood na rin nila ang Mono No Aware na humakot ng awards sa katatapos na Puregold CinePanalo Film Festival Awards Night dahil bida ang anak-anakan niyang si JK Labajo.


“Ang husay ni JK, ‘noh? Mamaya, meet namin s’ya,” sambit ng aktres.

Bale ba, si JK ang Panalong Aktor sa nasabing pelikula kaya saya-sayahan si Ibyang dahil parehong favorite person niya ang big winners.


Samantala, tinanong namin si Ibyang kung bakit hindi siya sumali sa CinePanalo Film Festival 2026.


“‘Di ko nalaman agad, eh. Late ko na nalaman at inalok naman akong mag-invest, eh, gusto ko kasi, simula pa lang, on board na ako para alam ko lahat ng nangyayari. Mahirap kasi ‘pag bigay ka lang nang bigay ng budget, wala akong alam,” katwiran ng aktres-prodyuser.


May pa-block screening din sina Ibyang sa AOMA kahapon.

Bago ang plano niyang pagsali sa PCPFF 2027 ay aasikasuhin muna niya ang kaliwa’t kanang imbitasyon sa pelikulang I’mPerfect para sa film festivals ng iba’t ibang bansa tulad ng Moscow Asian Film Festival, Hanoi International Film Festival (HANIFF), at Prague Film Festival. Katatapos lang ng screening nila sa Lucania Film Festival na ginanap sa Pisticci, Basilicata, Italy.


Patungong Busan, Korea rin si Ibyang para sa Busan Film Festival (Oktubre 6-15), kung saan kasama ang tatlong pelikulang produced ng Nathan Studios – ang RIA, Nagi Notes at Filipiñana.


Anyway, isa pang ikinasasaya ng puso ni Sylvia ay ang pagkapanalo ni Direk Sigrid Andrea Bernardo sa Asian Academy Creative Awards (AACA) bilang National Winner for Best Direction Feature Film para sa I’mPerfect.


“Nakakatuwa kasi sa mga directors ng MMFF (2025), si Sigrid ang National Winner, tapos number one pa now sa Netflix ang I’mPerfect,” kaswal na sey ni Sylvia.





MAGBABALIK-TANAW si Ice Seguerra sa kanyang pinagmulan sa Broadway at Disney sa pamamagitan ng Ice Sings!.


Ang unang yugto ng kanyang intimate concert series ay gaganapin sa Music Museum sa Nobyembre 6 at 7, 2026.


Bago pa man nakilala si Ice dahil sa banayad ngunit makapangyarihang boses at husay sa pagtugtog ng gitara, isa siyang batang mahilig sa mga musical at aktibo na noon sa pagtatanghal ng mga ito. Muli niyang aawitin ang mga kanta at ibabahagi ang mga kuwentong nag-udyok sa kanya na kumanta sa Ice Sings.


Isang intimate concert series sa Part I: Broadway & Disney ang gaganapin sa Nobyembre 6 at 7, 2026 sa Music Museum.


“Ipinakilala sa ‘kin ng nanay ko ang mga musical nu’ng bata pa ako. Lumaki akong nanonood ng The Sound of Music at West Side Story,” pag-alala ni Ice.


Dagdag pa, “Nag-aaral ako noon ng voice lessons sa UP College of Music noong pitong taong gulang ako. Kinanta ko ang Part of Your World mula sa The Little Mermaid sa aking recital. Pang-Disney princess ang napili kong kanta noon!”

Ang una niyang stage production ay ang Little Shop of Horrors kasama ang Repertory Philippines.


Ang ikalawa naman ay ang The Wiz kasama rin ang Repertory Philippines, kung saan ginampanan niya ang papel ni Dorothy.


Habang lumalaki, ipinagpatuloy ni Seguerra ang pagtatanghal sa musical theatre at lumabas sa mga produksiyon tulad ng The Rocky Horror Show, Avenue Q, at Rock of Ages.


Para kay Ice, palaging pinagsasama ng musical theatre ang dalawang aspeto ng kanyang sining – ang pag-arte at pag-awit.


“Nagsimula ako bilang isang performer at naging mahalagang bahagi ng buhay ko ang musika. Ngunit palaging espesyal sa ‘kin ang musical theatre dahil nagagawa ko ang parehong larangan.


“‘Di lang ‘to tungkol sa pagkanta. Kailangan mong malaman kung ano ang nais ng karakter, ano ang kahulugan ng kanta, at kung bakit mahalaga ang sandaling ‘yun,” sey pa nito.


Ang likas na pakiramdam na ito ang sentro ng Ice Sings! lalo pa’t binuo ni Seguerra ang kanyang karera sa pamamagitan ng pagbibigay ng personal na damdamin sa mga kanta—sa paraan ng kanyang pagbibigay-buhay sa mga liriko at pag-aanyaya sa mga manonood na pasukin ang kuwento ng mga ito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page