top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

'Di kayang aminin… HEART, IPINAKALAT NA LANG SA MGA BFF ANG HIWALAYAN NILA NI SEN. CHIZ

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 19, 2022
  • 1 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | October 19, 2022


Palaisipan sa mga Marites sa social media kung bakit ‘di pa maglabas ng statement ang mag-asawang Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero sa tunay na estado ng kanilang relasyon.


Matagal-tagal na rin mula nu’ng unang pumutok ang balitang hiwalay na ang sikat na celebrity couple.

Dahil sa pananahimik nina Heart at Sen. Chiz, kung anik-anik na espekulasyon tuloy ang kumakalat sa tunay na rason ng kanilang hiwalayan. May mga nagsasabi naman na sadyang pinatatagal ng celeb couple ang pag-amin para may series na aabangan sa mga vlogs sa YouTube ni Heart.

At ang latest, ipinaubaya na raw ni Heart sa kanyang mga close friends ang pagkakalat ng confirmation ng hiwalayan nila ni Sen. Chiz.


Hindi pa siguro kaya ni Heart na ibulalas ang buong katotohanan sa paghihiwalay nila ng mister kaya ipinasa na lang sa kanyang mga BFF.

Iba rin ang drama ni Heart, ginawa pang mga Marites ang kanyang mga kaibigan, ‘di ba?


Marami naman ang nanghinayang sa mag-asawa if true na talagang hiwalay na sila.


Wala raw talagang forever sa mundo.


“Pati tao, walang forever. Gasgas na gasgas naman ‘yang walang forever. Nahimasmasan si Heart. Sayang beauty niya, eh.”

“May forever. It's just that in this case, the individuals chose their careers over each other. I hope they don’t regret this decision over time.”

“Paano magtatagal, eh, lagi silang magkahiwalay physically. Travel here and there sila pareho for their commitments. Nanlamig na.”


Sabeee!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page