top of page
Marian Rivera at Dingdong Dantes - TikTok.jpg

‘Di kasama sa Star Awards for Music… JAMES, NAGSALITA NA SA KUMALAT NA BUNTIS NA SI ISSA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | June 27, 2026



James Reid at Issa Pressman - IG

Photo: James Reid at Issa Pressman - IG



Kiligin kaya ang mga fans ni James Reid sa pag-amin na gusto na niyang magka-baby? 

Nakorner kasi ng members of the press si James pagkatapos ng 17th Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Music na ginanap sa Teatrino sa San Juan.


Tinanong si James ng entertainment editor ng BULGAR na si Ateng Janice Navida kung ano ang reaksiyon niya sa balitang buntis ang girlfriend niyang si Issa Pressman.

Ngumiti si James habang maayos namang inawat ng kanyang publicist na huwag sagutin ang tanong. Pero sa kabila nito, nagpatikim si James ng kaunti tungkol sa isyung ito.


“I wish,” nakangiting sabi ni James.

O, ‘di ba? At least, may sinabi si James. At ang kyut-kyut niya nang sabihin iyon.

Dahil d’yan, naisip tuloy namin na mukhang ready na si James na magka-baby.


Kunsabagay, nasa edad na rin naman si James at matagal na ang relasyon nila ni Issa.


Kaya lang, okay kaya sa dyowa niya na baby muna bago wedding?


For now, tutok muna si James sa kanyang pagbabalik bilang aktor. Matagal na rin mula nang huling mapanood ng kanyang mga fans si James na umaarte sa harap ng kamera.


Aminado nga si James na nag-adjust siya nu’ng una siyang sumalang ulit sa set ng serye nila ni Kathryn Bernardo, ang Someone, Someday (SS). Kahapon ay ini-reveal na ang special poster and teaser.


Kasunod nito ang announcement na mapapanood ang unang serye na magkasama bilang lead stars sina Kathryn at James soon sa AllTV2, A2Z, TV5, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa Facebook (FB) & YouTube (YT), and iWant. Viewers and fans can also stream it first on Netflix.


Samantala, isa pang gustong balikan ni James ay ang paggawa ng album. Sobra siyang na-inspire sa pagkapanalo niya ng Album of the Year sa Star Awards for Music.

Congratulations, sweet baby James! Baby James?!



TUMALAK ang aktres na si Sofia Andres sa social media tungkol sa gobyerno at sa kalagayan ng bansa. Nakikisimpatya ang aktres para sa mga kababayan nating biktima ng maling sistema at bulok na pamamahala.


Sey ni Sofia, “Mahirap mangarap sa sariling bayan.


“Mahirap magsumikap nang tahimik habang may mga taong handang husgahan ka bago ka pa man makapagsalita. Mahirap magtiyaga ‘pag tila mas nauuna ang may kapangyarihan kaysa sa may prinsipyo.


“Mahirap maniwala kapag paulit-ulit mong nakikita na maraming lumalaban nang patas, ngunit tila ‘di nabibigyan ng pagkakataon.


“Maraming mangungutya. Maraming magdidiskrimina. Maraming susukat ng halaga ng tao base sa estado ng buhay at koneksyon. Pero hindi iyon ang tunay na sukatan ng pagkatao. Sa dulo ng lahat, ang pinakamahalaga pa rin ay kung paano tayo magmahal, sumuporta, maging tapat, at manatiling mabuti kahit mahirap.”


Minsan daw ay nakakalimot tayo, ayon kay Sofia.


Pagpapatuloy niya, “Nakakalimot tayong lahat ay pansamantala lamang. Nakakalimot tayo sa tunay na dahilan kung bakit tayo narito. ‘Di para lamang yumaman, manalo, o maging makapangyarihan kundi para magmahal ng kapwa at mag-iwan ng kabutihan sa mundong ito. At kung may isang bagay tayong ‘di dapat kalimutan, ‘wag tayong makalimot. S’ya ay nanonood.


“Nakikita Niya ang bawat sakripisyo, bawat luha, bawat kabutihang ginagawa nang walang nakakakita. Nakikita rin n’ya ang mga bagay na akala ng iba ay natatago. Kaya kung pagod ka na, magpatuloy ka. Kung nadidismaya ka, maniwala ka pa rin. At kung pakiramdam mo ay ‘di napapansin ang kabutihan mo, tandaan mong may Diyos na nakatingin at may hustisyang ‘di kailanman naliligaw. Darating din ang panahon ng mga taong ‘di sumuko.


“At ‘pag dumating ‘yun, mas magiging makabuluhan ang tagumpay dahil alam mong ‘di mo kailanman isinuko ang iyong puso, prinsipyo, at pananampalataya.”

Pinuri si Sofia Andres ng mga netizens:


“Maraming salamat sa pakikiramay at sa patuloy na pagboses, Ma’am Sofia!”

“Sobrang totoo at sobrang nakakaantig ng puso ito…”

“Thank you for standing with us.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page