'Di kailangan ng datung… WILLIE, 'DI KAKATALUHIN SINA TITO, VIC AT JOEY PARA PALITAN SA EAT BULAGA!
- BULGAR
- Mar 7, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 7, 2023

Hanggang ngayon ay wala pang final statement ang major producer ng Eat… Bulaga!
tungkol sa revamp at rebranding ng nasabing noontime show. Wala pa ring pormal na pahayag ang TVJ sa tunay na sitwasyon na nagaganap sa EB!.
Puro mga pahiwatig lang ang lumulutang kaya guessing game pa rin ang lahat.
Nakaabang ang publiko sa magiging final verdict sa katayuan ng Eat… Bulaga! at ng mga hosts ng show.
Kung sakali kayang magre-resign sa EB! ang lahat ng hosts, may nakahanda na bang ipapalit agad sa kanila? Papalitan din ba ang titulo ng show tulad ng napapabalita?
Well, dahil sa nabanggit nga na diumano ay tinawagan ni Romeo Jalosjos, Jr. si Willie Revillame at inalok na mag-host ng EB!, nagpupustahan ngayon ang mga netizens kung tatanggapin ba ni Kuya Wil ang offer sa kanya.
Marami ang nagsasabing big opportunity ito na hindi tatanggihan ng Wowowin host lalo na't may captured audience na ang EB! na pinanonood ng mahigit 40 years.
Ganunpaman, may mga nagsasabing malaki ang respeto ni Willie kina Tito, Vic at Joey.
Hindi niya magagawang kataluhin ang mga ito kahit na malaki ang offer na talent fee.
Billionaire na si Revillame at hindi na mahalaga ang pera sa kanya.
Tiyak na marami ang mag-aabang kung ano ang mangyayari sa pustahang magaganap.





Comments