top of page

AWRA, PATUNG-PATONG ANG KASO DAHIL SA RAMBULAN SA BAR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 1, 2023
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | July 1, 2023




MAGDAMAG na nag-stay sa Makati City Police headquarter ang batang comedian na si Awra Briguela pagkatapos arestuhin ng mga pulis nu’ng Huwebes nang umaga sa labas ng Bolthole Bar sa Poblacion, Makati City.


And since yesterday (Biyernes), naka-hold pa rin doon si Awra. Pero, siguro by the time na binabasa n'yo ang aming kolum today, maaaring nakalabas na ng presinto ang batang comedian.


Hindi naman siguro pababayaan ng kanyang legal counsel na lumagpas ang araw ng Biyernes na ‘di pa nakakalabas si Awra. Or else, aabutin pa siya nang dalawang araw na nasa loob ng presinto, which is medyo heavy to bear na for the celebrity teen-ager.


Kinasuhan kasi si Awra ng physical injuries, alarm and scandal, disobedience to authority, and direct assault ng mga nagreklamo sa kanya. At ang isa sa mga nagsampa ng kaso sa kanya ay may pangalang Mark Christian Ravana.


Kine-claim nitong si Mark Christian Ravana na diumano ay pinipilit siya ni Awra na maghubad.

Taliwas naman ito sa mga naglalabasang post ng kaibigang babae ng batang comedian na si Zayla Nakajima.


Ayon kay Zayla, dinepensahan lang siya ni Awra kay Ravana na nanghipo raw sa kanya. And not only once, but twice!


‘Yung una raw ay nu’ng hawakan ni Ravana ang butt ni Zayla at pagkatapos ay in-squeeze pa.


Ang pangalawang beses at pinakamatinding pambabastos para kay Zayla na ginawa ni Ravana ay nang sinubukan nitong ipasok ang kamay sa loob ng bra ng kaibigan ni Awra.


Zayla is wearing a bra top that time, ayon sa description nito sa kanyang post.


Sa true lang, ‘di ito ang unang beses na may nabalitaan kaming nasangkot daw si Awra sa gulo. ‘Yun nga lang, pang-barangay level lang daw.


At gaya rin sa kaso ni Zayla, ang naging rason ng pagkakadawit ni Awra sa naturang gulo ay dahil sa kanyang mga kaibigan.


Super friendly kasi si Awra at mahilig rumampa with his friends with matching inuman.

Siguro kasi, ine-enjoy lang ng batang comedian ang kanyang teen-age life. Pero siyempre, dapat ding maging maingat si Awra.


Usually naman sa ganyang barkadahan, ang mga celebrities ang madalaas na nadidiin kahit ‘di sila ang nagpasimula ng gulo or totally wala naman silang kasalanan.


We heard, ang madalas kasama ni Awra sa gimikan ay mga kilalang TikTokers, huh?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page