top of page

‘Di feel mag-prenup sa fiancé… KIRAY: BAKA AKO PA MAGLOKO SA AMING 2

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 15, 2025



SPECIAL - NATHALIE HART, NAGSALITA NA SA RELASYON DAW NOON KINA PACQUIAO AT CHAVIT_IG _imnathaliehart & _luischavitsingson

Photo: Kiray / IG



“Hindi pa po ready. Hindi po ako ready sa gastos naming dalawa,” natatawang sagot ni Kiray Celis nang tanungin namin sa ginanap na product launch ng kanyang Kiray's Brands na Hot Babe Green at Skin Vibe last Thursday kung gaano na siya kahanda sa married life nila ng fiancé na si Stephan Estopia.


Sa December, 2025 na ang kasal nina Kiray at Stephan kaya naman nai-stress na raw ang komedyana-turned CEO ng kanyang health and beauty products.

Simple and intimate church wedding daw ang gusto nila kaya piling-pili lang ang mga bisita. 


Pero sa laking mga artista-personalities ng mga ninong at ninang sa kasal nina Kiray at Stephan, we doubt na kaya nilang gawing intimate ito.


Anyway, kung si Kiray ang CEO ng Kiray's brand, si Stephan naman daw ang COO at ito ang namamahala sa manpower at logistics side na hindi na raw magagawa ni Kiray, although may sarili rin naman daw businesses ang kanyang fiancé at tumutulong lang talaga sa kanya.


Wala raw suweldo sa kanya si Stephan at pabirong sabi ni Kiray, “Ibibigay ko na nga sa kanya ang sarili ko (susuweldo pa)?” sabay malakas na tawa at saka humirit ng “Wow! Akala mo 5’9” (ang height)!”


Tinanong din namin si Kiray kung may prenup agreement sila ni Stephan lalo't may sarili na siyang company ngayon.


Sagot niya, “Opo, wala. Kasi baka ako pa po magloko. Sobrang bait po (ng boyfriend ko). Sa mga nakakakilala sa amin, ako ‘yung laging masama. Totoo naman, totoo naman. ‘Pag nag-aaway kami, mga kaibigan namin, nasa kanya. Kahit mga kapatid ko, ‘di ko kakampi. Ganu'n siya kabait. ‘Di ko siya ipinagtatanggol.”


Inamin din sa amin ni Kiray ang businesses ni Stephan na paupahan at computer shops. Kaya unfair daw sa fiancé niya ang panghuhusga ng mga netizens na nakaasa lang ito sa kanya at siya lang ang gumagastos para sa kasal nila.


Anyway, sobrang sipag ni Kiray kaya no wonder na mabenta na rin hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa iba't ibang bansa ang Kiray Brands kung saan sa Hot Babe Greens healthy drink, may tatlong variants – Chamomile, Lemongrass Pandan at Pistachio Matcha.


Para naman sa Skin Vibe, in-introduce ang Pwettura Bleaching Scrub and Cream na pampaputi ng mga dark spots.





Babu kay Belle, action star na…

DONNY, ALA-DANIEL PADILLA



Donny Pangilinan - IG


WALANG nagpakabog kina Donny Pangilinan at Kyle Echarri sa newest Dreamscape series nilang Roja mapa-acting o action scenes man.


Grabe ang ibinuhos na effort nina Donny and Kyle sa kanilang mga eksena na kitang-kita sa first episode ng Roja at hindi sila nagpakabog sa mga senior stars na kasama nila like Raymond Bagatsing, Lorna Tolentino and Janice de Belen.


Tama rin na pinaghiwalay muna ng ABS-CBN sina Donny at Belle Mariano dahil nag-level-up na ang pagka-aktor ng anak nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan dito sa Roja.


Graduate na si Donny sa pa-cute roles at naging seryoso na siyang aktor na sumunod sa yapak ni Daniel Padilla.


Unang mapapanood ang Roja sa Netflix simula sa Nobyembre 21 (Biyernes) at sa iWant simula Nobyembre 22 (Sabado), at magiging available rin ito sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5 sa Nobyembre 24 (Lunes) ng 8:45 PM. 


Parehong magaling sa martial arts at sa pakikipagbakbakan ang mga karakter nina Donny at Kyle kung saan isang head chef si Liam (Donny), at si Olsen (Kyle) naman ay isang palaban na miyembro ng security team ng resort.


Iikot ang kuwento ng Roja sa dating mag-best friend na ngayon ay magkaribal na sina Liam at Olsen. Kasama rin nila sa serye si Maymay Entrata bilang si Luna, ang best friend ni Liam na kabilang din sa culinary staff. 


Malalim ang magiging lamat sa relasyon ng dalawa dahil mapupuno ng hinagpis ang puso ni Liam nang malaman niyang may kabit (Yassi Pressman) ang tatay niya (Raymond Bagatsing) at matagal na pala itong kinukunsinti ni Olsen.

Magkakaayos pa kaya sina Liam at Olsen? Sinu-sino ang makakaligtas sa karumal-dumal na hostage-taking?


Kabilang din sa cast ng Roja sina Sandy Andolong, Robert Seña, Nikki Valdez, Cris Villanueva, Zia Grace, Bernard Palanca, Marc Abaya, Gello Marquez, Harvey Bautista, Lou Yanong, Kobie Brown, Benedict Cua, Iñigo Jose, Maika Rivera, AC Bonifacio, Emilio Daez, Xilhouete, Kai Montinola, Rubi Rubi, Sophie Reyes, Rikki Mae Davao, Inka Magnaye, Vangie Castillo, Levi Ignacio, Floyd Tena, Rans Rifol, Igi Boy Flores, at Raven Molina.


Mula ito sa direksiyon nina Lawrence Fajardo, Rico Navarro, Andoy Ranay, at Raymund Ocampo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page