‘Di boto sa BF niyang si Paulo… KIM, TODO-IWAS NA RAW SA MGA BFF NA SINA ANGELICA AT BELA
- BULGAR

- 7 hours ago
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 27, 2026

Photo: IG _ianangelicap
Balitang-balita ngayon na nanganganib umanong mabuwag ang barkadahang “AngBeKi” na binubuo nina Angelica Panganiban, Bela Padilla at Kim Chiu.
Madalang na raw kasi silang mag-update ng mga kaganapan sa kanilang buhay sa social media. Bihira na rin silang magkita-kita at mag-bonding.
Iniuugnay naman ng ilang mga fans ang diumano’y pagkakawatak ngayon ng tatlo kay Paulo Avelino, ang rumored boyfriend ni Kim. Halos nakatuon na raw kasi sa aktor ang buong panahon ni Kim, kaya wala na umano itong oras sa dati niyang mga kaibigan na sina Angelica at Bela.
May iba namang bersiyon ng isyu na nagsasabing hindi raw pabor sina Angelica at Bela kay Paulo para kay Kim kaya kusa nang dumidistansiya ang Chinita Princess sa kanyang mga dating BFF.
Para ‘di ma-bash… KC, BALIK-ALINDOG MUNA BAGO MAGBALIK-ACTING
NAGPAPLANO raw ng kanyang showbiz comeback si KC Concepcion matapos mag-lie-low nang mahigit dalawang taon.
Nag-concentrate si KC sa kanyang jewelry business, pero hindi pa rin nawawala ang kanyang kagustuhang muling umarte kaya pinaghahandaan niya ngayon ang kanyang pagbabalik.
Kailangan daw niyang maging physically fit upang hindi maging target ng mga bashers at bumagay sa mga roles na maaaring ibigay sa kanya.
Sayang naman kasi ang ganda ni KC kung hindi siya mabibigyan muli ng exposure sa TV at pelikula. Mas okay sana kung makagawa siyang muli ng isang rom-com (romantic-comedy) movie. Puwede rin siyang mag-host ng reality show.
Tiyak na ikatutuwa ng kanyang mga fans ang muli niyang pagpasok sa showbiz.
Marami pang oportunidad ang tiyak na darating kay KC Concepcion kapag naging aktibo siyang muli sa showbiz. Maaari rin siyang mag-endorso ng mga beauty products.
Sa wakas, after kina Sunshine, Ara at Jean…
POLO, 8 YRS. BAGO PINAKASALAN ANG NANAY NG ANAK
SA tinagal-tagal ng kanyang pagiging single, finally ay natagpuan na rin ni Polo Ravales ang kanyang ‘the one’ kaya nagdesisyon na siyang magpakasal sa kanyang longtime non-showbiz partner na si Paulyn Quiza.
Eight years nang engaged sina Polo at Paulyn at mayroon na silang isang anak na lalaki.
Dinaluhan ang kanilang kasal nina Dingdong Dantes, Rio Locsin, Jackie Lou Blanco, Dino Guevarra, Mikey Bustos, at Direk Dominic Zapata.
Si Paulyn Quiza ay isang personal fitness trainer na gumabay na rin sa maraming celebrities upang maging fit at healthy.
Akala nga ng marami ay hindi na mag-aasawa si Polo at mananatiling single habambuhay dahil ilang artista na rin ang na-link sa kanya noon.
Naging ka-love team siya ni Sunshine Dizon at naging GF niya rin dati sina Ara Mina at Jean Garcia.
Pero nang dumating si Paulyn sa kanyang buhay at tumagal ang kanilang relasyon, nagdesisyon si Polo Ravales na pakasalan ang ina ng kanyang anak at maging seryosong padre de pamilya.





Comments