‘Di boluntaryong pagpirma sa quitclaim ng OFW
- BULGAR
- Feb 2, 2023
- 3 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Pebrero 2, 2023
Dear Chief Acosta,
Ang aking asawa ay nagtrabaho bilang isang domestic helper sa Saudi Arabia.
Makalipas lamang ang ilang buwan ay pinag tangkaan siyang gahasain ng kanyang among lalaki.
Sumunod dito, nakatanggap din siya ng pisikal ns pang-aabuso mula sa kanyang among babae.
Sinubukan niyang tumakas at siya ay nakapunta sa Embahada ng Pilipinas. Ngunit bago siya makauwi at i-release ang kanyang sahod, siya ay pinapirma ng Final Settlement and Certification. Ang sabi ng kinatawan sa Embahada ay pirmahan na lamang niya ito para siya ay makauwi at sa Pilipinas na lamang magsampa ng kaso laban sa kanyang agency. Pag-uwi niya ng Pilipinas, siya ay nagsampa ng kasong constructive dismissal laban sa kanyang agency. Ang sabi ng agency, hindi raw siya maaaring magkaso ng constructive dismissal, sapagkat siya ay pumirma sa Final Settlement and Certification. Tama ba ito? –Roland
Dear Roland,
Ang sagot sa iyong katanungan ay tinalakay ng Korte Suprema sa kasong Donna B. Jacob v. First Step Manpower Int’l Services, Inc., (G.R. No. 229984, July 8, 2020, Ponente: Honorable Associate Justice Marvic Leonen), kung saan sinabi ng Korte Suprema na pangkaraniwang tinitingnan ng may pagkadismaya ng mga korte ang mga waiver o quitclaim at hindi nito maaaring pigilan ang empleyado na hingin ang benepisyong nararapat para sa kanya. Ayon sa Korte Suprema:
“Notably, as a general rule, "deeds of release, waivers, or quitclaims cannot bar employees from demanding benefits to which they are legally entitled or from contesting the legality of their dismissal, since quitclaims are looked upon with disfavor and are frowned upon as contrary to public policy." The burden of proving that petitioner voluntarily entered into the agreement lies with the employer, which in this case, respondents miserably failed to do.
Apart from merely claiming that petitioner's homesickness led her to voluntary resign from her job (as evinced by the execution of the Final Settlement), respondents failed to present other concrete evidence to support the assertion.
Also, the lack of any physical coercion on the part of petitioner does not automatically suggest that she voluntarily adhered to the stipulations in the Final Settlement. This is especially so in light of her helpless situation, away from the comforts of her family and support group. Out of dire necessity and desperation, it is evident that signing the Final Settlement and Certification was her only choice as it was, in fact, explicitly noted therein that it was a ‘condition for the worker's repatriation.’ Besides, it would be irrational for petitioner to resign and thereafter file a case for illegal dismissal since ‘resignation is inconsistent with the filing of the said complaint.’ Given that resignation ‘is a formal pronouncement of relinquishment of an office,’ it must be concurrent with the intent and the act.”
Gaya sa kaso ng iyong asawa, ang kanyang pagpirma sa Final Settlement and Certification ay bunga ng kanyang masidhing pagnanais na makauwi sa ating bansa.
Kasunod nito ay agaran siyang nagsampa ng kasong constructive dismissal laban sa kanyang agency. Ito ay mga indikasyon na hindi naging boluntaryo ang kanyang pagpirma sa nasabing quitclaim at dahil dito, hindi nito maaaring pigilan ang karapatan ng iyong asawa na habulin ang benepisyong nararapat para sa kanya.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.




Comments