‘Di ba, Gerald at Xian? KIM, BONGGA NANG MAGREGALO SA BF, INIIWAN PA RIN
- BULGAR
- Apr 6, 2024
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 6, 2024

Bago si Xian Lim ay si Gerald Anderson ang naging boyfriend ni Kim Chiu.
Apat na taon silang naging magkarelasyon mula 2006 hanggang 2010. At sa loob ng apat na taon ay naging generous GF si Kim. Mahilig siyang magregalo ng mamahaling material things sa kanyang boyfriend. Para siyang matrona at daig pa ang bakla kung magregalo sa kanyang boyfriend.
Noong sila pa ni Gerald Anderson ay marami siyang naibigay sa aktor tulad ng Rolex watch, golf cart, 65-inch TV, ref, mamahaling rubber shoes at iba pa. Kulang na nga lang daw ay bahay ang ibigay ni Kim kay Gerald, dahil sobra niya itong minahal.
Kaya marami ang curious malaman at nagtatanong kung anu-ano ang ibinigay ni Kim kay Xian Lim sa loob ng 13 years nilang relasyon? Kasinbongga rin ba ng mga iniregalo niya kay Gerald Anderson?
So far, wala namang binabawi ang Chinita Princess sa mga nairegalo niya sa kanyang mga naging boyfriends. Siguro dahil kusa naman daw niya itong ibinigay dahil nga mahal niya. Nag-invest rin siya sa kanilang relasyon, pero nalugi nga lang siya.
Well, better luck next time, Kimmy!





Comments