top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

DFA sa passport applicant: ‘Wag magpatulong sa socmed!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 24, 2020
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | December 24, 2020


Babala sa mga kumukuha ng passport!


Ito ang mungkahi ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga aplikante ng passport matapos makatanggap ng mga ulat hinggil sa mga aplikanteng nagpapatulong sa appointment gamit ang social media.


Ayon sa ahensiya, maraming Pilipino ang humihingi ng tulong sa Facebook group, group chat, at maging sa mga hindi kilalang tao na nag-aalok ng passport appointment online.


Ngunit sa halip na mapadali ang aplikasyon, nagbabayad ang mga ito ng higit pa sa sinisingil ng DFA para sa passport issuance, gayundin, ang mga biktima ay nakatanggap ng tampered application forms at mali-maling instructions.


Hinikayat ng DFA ang mga aplikante na mayroong kahina-hinalang appointment sa tulong ng ibang tao na tumawag sa hotline ng ahensiya (8234-3488) para sa beripikasyon.


Ipinaalala ng DFA na ang appointment ay maaaring i-book sa kanilang website (https://passport.gov.ph), kung saan pinapayuhan ang mga aplikante na gamitin ang kanilang email address at cellphone number para matanggap ang mga tamang detalye ng kanilang appointment.


Pinadadali na ng gobyerno ang proseso ng mga aplikasyon, kaya plis lang, iwasan nating humingi ng tulong kung kaya naman natin itong gawin o pag-aralan.


Bagama’t nauunawaan natin ang iba na ‘di talaga kaya, oks lang naman humingi ng tulong, basta tiyakin nating tama ang tao ang hihingan natin ng tulong.


Baka kasi sa halip na tulong ang makuha n’yo, sakit ng ulo pa ang abutin n’yo.


At kayo namang mga tumutulong kuno pero nambibiktima lang, makonsensiya naman kayo. Ginamit n’yo pa ang social media at pangangailangan ng ibang tao para rumaket.


Bagama’t malaki ang tulong ng socmed sa panahon ngayon, piliin nating gamitin ito sa tamang paraan. Awat na sa mga panlalamang sa kapwa.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page