top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Desiderio, Anderson at Belencion handa na sa 3x3

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 16, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | December 16, 2022



Pangungunahan ng mga beterano ng PBA na sina Paul Desiderio at Jaypee Belencion at mga varsity ng kolehiyo na sina RJ Deles ng St. Benilde at Shaquille Alanes ng Lyceum.


Kasama din si Gerald Anderson na minsan naglaro para sa Holy Trinity College sa General Santos City bago nag-artista at mga tuklas na sina Ian Pardo at Zaljun Cartagena ang mga pinalad na magiging bahagi ng mga koponan na ipadadala sa mga malalaking torneo sa 2023 na layunin ay makapasok ang bansa sa 2024 Paris Olympics.


Pito sila sa pumasa sa tryout na isinagawa ng Chooks-To-Go Pilipinas 3x3 noong Disyembre 13 sa Activate Hoop Arena ng Mandaluyong City.


Matapos tawagin ang kanilang pangalan, isinabak sila agad sa laro kasama ang mga kasalukuyang kasapi ng Cebu Chooks at Manila Chooks. Bago noon, dumaan ang lahat ng aplikante sa ensayo sa gabay nina Coach Chico Lanete at ang bagong pirmang si Coach Milan Isakov ng Serbia.


Bitbit ni Coach Isakov ang malawak na karanasan bilang coach ng Liman Huishan NE na humakot ng maraming kampeonato sa World Tour simula 2017. Nahawakan din niya ang mga pambansang koponan ng Tsina at Russia at inaasahan na tutumbasan ng Pilipinas ang naabot nilang tagumpay.


Ang mga puntos na malilikom mula ngayon hanggang Nobyembre, 2023 ang tutukoy kung anong mga bansa ang makakapasok sa Paris 2024. Handa na ang Chooks na magpadala ng kinatawan sa lahat ng maaaring lahukan na palaro kaya ang desisyon na humanap ng mas maraming manlalaro.


Hinihintay pa ang opisyal na kalendaryo ng FIBA 3x3 sa susunod na taon. Matapos ang hosting ng Maynila noong Mayo at Cebu noong Oktubre, asahan na babalik muli ang World Tour at iba pang pandaigdigang palaro sa Pilipinas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page