top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Deserve raw dahil sa pagod at puyat… BISYO NI ALDEN, NABULGAR

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 14, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | October 14, 2022



Mahilig palang mangolekta ng relo si Alden Richards. High school pa lang daw siya ay may gustung-gusto na siyang relo na pinagsikapan niyang pag-ipunan upang mabili ito.


At ngayong kumikita na siya sa TV, movies at endorsements, nagagawa na niyang bumili ng de-kalidad at high-end brand ng wrist watch.


Sa isang interview, ipinakita ni Alden ang kanyang collection ng relo na puro mamahalin.


May apat siyang Rolex watch na milyones ang halaga ng bawat isa.


Paliwanag ni Alden, bale investment na rin niya ang mga mamahaling relo at reward na rin sa kanyang sarili dahil sa pagod at puyat niya sa kanyang taping at shooting para kumita.


Nabilhan na rin niya ng malaking bahay at mga sasakyan ang kanyang pamilya. May negosyo na rin siyang naipundar.


Nagse-share naman ng blessings si Alden at may mga charity projects.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page