top of page
WINNER - NETIZENS KAY PANELO KAWAWANG ‘PINAS!-IG _salvador.panelo & FB Robin Padilla.jpg

DeRozan, umulit ng panalo; Embiid, triple double, nanambak

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 5, 2022
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | January 05, 2022






Walang himala si DeMar DeRozan kahapon subalit siya pa rin ang nanigurado sa 102-98 panalo ng Chicago Bulls sa bisitang Orlando Magic sa pagpapatuloy ng NBA kahapon mula sa United Center. Humaba sa walo ang magkasunod na panalo ng Bulls at tumibay ang kapit sa liderato ng Eastern Conference na may kartadang 25-10.


Ipinasok ni DeRozan ang dalawang free throw sa huling 13 segundo upang patahimikin ang huling banta ng Magic at magtapos na may 29 puntos. Sinundan siya ni Zach LaVine na may 27 at nakatulong ang sabay pagkabigo ng mga humahabol na Milwaukee Bucks at Brooklyn Nets.


Samantala, triple double si Joel Embiid na 31 puntos, 15 rebound at 10 assist at tinambakan ng Philadelphia 76ers ang kulelat ng West na Houston Rockets, 133-113. Tambakan din ang Dallas Mavericks sa Denver Nuggets, 103-89, salamat sa 21 puntos at 15 assist ni Luka Doncic.


Ginulat ng Detroit Pistons ang Bucks, 115-106, at nagwakas ang anim na magkasunod na panalo. Nagsumite ng 34 puntos mula sa 8 tres si Saddiq Bey at nagpalitan ng puwesto ang Pistons (7-28) at Magic (7-31) para sa pinakakulelat na marka sa buong NBA.


Binigyan ng bisitang Memphis Grizzlies ang Nets ng mapait na 118-104 talo. Umabot ng 28 ang lang sa fourth quarter, 103-75, at sumandal ang Memphis kay Ja Morant na gumawa ng 36 puntos.


Samantala, aabangan ngayong araw ang posibleng unang laro ng kontrobersyal na si Kyrie Irving ng Nets sa pagdalaw nila sa Indiana Pacers. Maalat naman ang laro ni Stephen Curry subalit umangat sina Jordan Poole sa 32 puntos at Andrew Wiggins na may 22 puntos upang buhatin ang Golden State Warriors vs. Miami Heat, 115-108, at manatiling numero uno sa buong NBA sa 29-7.


Bumida para sa siyam na sunod-sunod na puntos sina Kyle Kuzma at Bradley Beal upang humabol sa last two minutes at manalo ang Washington Wizards sa Charlotte Hornets, 124-121. Nagtapos si Kuzma na may 36 puntos at 14 rebound habang 35 puntos si Beal. Sa ibang mga laro, pumulot ng tagumpay ang bisitang Utah Jazz sa New Orleans Pelicans, 115-104.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page