top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Derozan ng Bulls sa 3-0, Middleton, bida sa Bucks

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 25, 2021
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | October 25, 2021





Uminit sa 4th quarter si Khris Middleton para sa World Champion Milwaukee Bucks sa 121-111 tagumpay sa San Antonio Spurs. Gumawa ng 11 ng kanyang 28 puntos si Middleton at tinulungan ni Giannis Antetokounmpo na may 21 puntos upang umangat sa 2-1 sa pagpapatuloy ng NBA kahapon sa AT&T Center.


Nakatatlong panalo na ang Chicago Bulls nang padapain ang bisitang Detroit Pistons, 97-82, sa United Center. Maaga pa lang sa torneo ay nagpakitang-gilas ang mga bagong manlalaro na kinuha ng Bulls. Namuno si dating San Antonio Spurs DeMar DeRozan at All-Star Nikola Vucevic na may 15 puntos at 18 rebound. Nagdagdag ng 14 si Zach LaVine.



Bumagsak ang Detroit sa 0-2 at kailangan nila maghintay pa bago makalaro ang numero unong rookie Cade Cunningham na napilay bago magbukas ang torneo.


Nanatili ring walang talo sa dalawang laro ang Minnesota Timberwolves at binigo ang New Orleans Pelicans, 96-89. Bumida sa Timberwolves sina Karl Anthony Towns na may 25 puntos at Anthony Edwards sa 19 pts. Sinamahan ng Memphis Grizzlies ang Minnesota sa 2-0 matapos gulatin ang Los Angeles Clippers, 120-114. Naging malaking tinik para sa Clippers ang mga guwardiya ng Grizzlies na sina Ja Morant na may 28 puntos at De’Anthony Melton, 22 pts.


Pumukol ng anim na tres si CJ McCollum para sa 28 puntos at tinambakan ng Portland Trail Blazers ang Phoenix Suns, 134-105. Sinuportahan siya nina Damian Lillard na may 19 puntos at NBA Slam Dunk champion Anfernee Simons na may 18 puntos buhat sa apat na tres.


Nagsama sina rookie Chris Duarte at All-Star Domantas Sabonis para sa tig-5 puntos sa overtime upang ipanalo ang Indiana Pacers sa Miami Heat, 102-91. Nanguna si Duarte na may 19 puntos habang double-double sina Malcolm Brogdon sa 18 puntos at 14 rebound at Sabonis na may 17 puntos at 12 rebound.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page