top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

DEREK AT ELLEN, MAGBABABU NA SA SHOWBIZ

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 7, 2022
1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | January 07, 2022



May plano na yatang iwanan ng celebrity couple na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna ang showbiz.


May tsikang magko-concentrate na lang umano ang dalawa sa bagong bubuksang business.


Matatandaang kamakailan lang ay nag-post si Derek ng isang logo na Tigercon. Wala pang detalye kung ano ang itatayong business nito, pero sa caption na isinulat ng aktor, sinabi niyang, “Our new venture as husband and wife! Thank you Lord!!!”


Magmula nang magkaroon ng pandemya ay hindi na tumanggap ng project ang Kapuso actor sa GMA-7.


Pero sabi naman ng mga netizens, sadya raw sigurong hindi ino-offer-an ng Kapuso Network si Derek dahil naghiwalay sila ni Andrea Torres at ang ipinalit nga ni Derek ay ang misis na niya ngayon na si Ellen na ex ni John Lloyd Cruz.


Sa ngayon, tila wala pang planong bumalik sa pag-arte ang mag-asawa.


Well, kung desisyon nila na magbukas ng sariling negosyo, much better dahil malalayo sila sa mga Marites at Mosang sa showbiz.


At kitang-kita rin naman na sobrang nag-e-enjoy sina Mr. and Mrs. Ramsay sa kanilang pribadong buhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page